DECEPTION ENTRY # 3

13.5K 289 24
                                    







DECEPTION ENTRY # 3









ring...ring...ring...

ring...ring...ring...

ring...ring...ring...

ring...rin-------------





" Shiiittt!! answer your phone Jas!! Nasaan ka ? "





ring...ring...ring...

ring...ring...ri--------









" Jas!! where the hell are you?!!"





Goddammit!! kanina ko pa siya tinatawagan pero pinapatay lang niya. Hindi ako mapakali, kanina pa ako paikot ikot pero hindi ko siya makita, hindi ko siya matagpuan... para akong humihininga sa butas ng karayom sa sobrang pag aalala sa kanya.. dahil alam ko.. alam kong narinig niya ang lahat.. Hindi ko alam kung papaano ako magpapaliwanag sa kanya? kung ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya..





ring...ring...ring...

ring...ring...ring...

ring...ring...ring...

Bumilis ang aking paglalakad ng makarinig ako ng tumutunog na cellphone.. sa kanya iyon.. alam kong sa kanya .. Inilang hakbang ko ang pinagmumulan noon..Habang papalapit ako ng papalapit siyang paglakas ng pagriring ng kanyang cellphone. Nasa isang tagong part iyon ng hospital o mas tamang sabihin na nagmumula ang tunog na iyon sa fire exit.. puno ng takot at kaba ang aking buong pagkatao.





ring...ring...ring...

ring...ring...ring...





Sa nanginginig kong mga kamay inabot ko ang seradura ng pintuan at binuksan ko iyon.. pero halos madurog ang aking puso ng makita ko siya.. Nakaupo siya at nakasandal ang kanyang buong katawan sa pader habang yakap yakap niya ang kanyang dalawang tuhod.. papalakas ng papalakas ang mga hikbing naririnig ko mula sa kanya.. nasa kanyang kaliwang gilid ang kanyang cellphone. Yumuyugyog ang kanyang mga balikat... she's so vulnerable and fragile right now.. at nasasaktan akong makita siyang ganito.. Mabilis ko siyang nilapitan, pero hindi ko alam kung papaano ko siya hahawakan? o kakausapin?





" J-Jas... "





" Jas.. i-its m------





" T-T-Totoo b-ba? " hirap na hirap niyang tanong sa akin ng mag angat siya ng mukha. " T-Totoo ba ang m-mga narinig ko k-kanina.? " Napalunok ako ng ilang beses dahil sa simpleng tanong na iyon. Hinang hina ako.. idagdag mo pa ang kanyang itsura na parang kawawang bata. Punung puno ng luha ang kanyang magkabilang pisngi, namumula na rin at namumugto ang kanyang mga mata.. yung boses niya paos na paos na dahil sa sobrang pag iyak.. napansin ko din ang panginginig ng kanyang buong katawan. Inabot ko ang kanyang magkabilang pisngi at pinahid ko ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata pero tila gripo iyon dahil patuloy iyon sa pagpatak. Hinawakan niya ang aking mga kamay at mas lalo niya iyong idinikit sa kanyang pisngi.. just like the old times.. tila sya batang umaamot ng init doon habang nakapikit..













" L-Lean, m-make it s-stop.. p-please... i-it h-hurts.. i-it hurtssss s-sooo muchhhh---- humagulhol na siya ng iyak, ipinaloob ko siya sa aking bisig. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. God, this woman been hurt too much. Sobra na.. quotang quota na siya. If I could only take all the pain, for her ginawa ko na. Kasi sa dami ng pinagdaanan niya, parang ako na ang nahihirapan para sa kanya. Ang gulo gulo na ng sitwasyon.. nahahati na ang isip at puso ko.. Im torn between Jas and Em.







" B-Bakit ganon? Bakit Lean? Bakit k-kailangan akong pahirapan ng ganito? H-hindi ba ako pwedeng maging masaya? Hindi ba pwedeng palagpasin ng diyos ang araw na ito o burahin na niya lang ang narinig ko k-kanina!! Kasi baka nanaginip lang ako. S-Si X-Xander iyon.. Si Xander.. mahal na mahal ako noon, hinding hindi niya magagawa sa akin iyon!! H-hindi di ba?!! Nagsisinungaling lang ang babaeng iyon!! Hindi si Xander ang ama ng ipinagbubuntis niya!! Hindi pwedeng si Xander!! Hindi!! hindi!!!"











" He p-promised me!! He promised me!! Babawi siya sa akin, sa amin ng anak niya!! Na hindi na niya ako paiiyakin, hindi na niya ako sasaktan!! pero bakit ganito?!! pakiramdam ko unti unti na naman akong namamatay.. Sana sinaksak niyo na lang ako!! kaysa pinahihirapan niyo ako ng ganito!! W-Wala kayong awa!!! wala kayong p-patawad!!! "











Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat dahil para siyang wala sa kanyang sarili, sumisigaw siya habang sinasabunutan niya ang kanyang sarili.. hindi ko alam kung papaano ko pipigilan ang kanyang pagpupumiglas sa akin. I know her medical history at sa totoo lang sa nakikita ko mukha na naman siyang bibigay.. " J-Jas!! Jas!! Jasmine, look at me!! look at me!!! " I was shaking her.. I was trying to cupped her face pero pilit niya iyong iniiwas." Snap out of it!! snap out of it!! Godd!! Jas!! Jas!!! P-please dont do this!! dont do this.. dont hide from your fears.. face it!! we will face it!! Jas!!! Jas!!! goddammit!!! "









"Y-you l-lied to me!!! You lied!! Lahat kayo sinungaling!! sinungaling!! Hindi niyo na lang sana kami hinanap ni Dria kung ganito lang ang gagawin niyo sa akin!! Mas pinili mo ang babaeng iyon kaysa sa akin, Lean!! I saw how you looked at her!! You betrayed me!! traydor ka!! traydor kayo!! magsama sama kayong lahat!! magsama kay----------









" Jas!! I did not betrayed you!! I did not h------











Itinulak niya ako dahilan para mawalan ako ng balanse mabuti na lamang at nahanap ko agad ang aking balanse. Pero hindi ko inaasahan ang malakas na sigaw at histerya na nanggaling sa kanya.. " N-No!!! N-no!!! N-Nooooooo!! not a-again.. m-my b-baby.. No!!!! Nooo!!! " halos manlambot at bumigay ang aking tuhod na makita kong may dugong umaagos sa mga binti ni Jasmine.. Mabilis ko siyang nilapitan at hinapit sa bewang.













" L-Leaaaannnn... h-help me.. y-yung baby ko.. y-yung b-baby ko.. h-hindi siya p-pwedeng m-mawala sa a-akin.. H-Hindi ko na------ arrghhhhhh------ binuhat ko siya at buong pagmamadaling inilabas sa fire exit. Halos takbuhin ko ng buong bilis ang Emergency Room para lang makarating doon.. Hindi ko alam kung anong gagawin, para mapakalma si Jas.. nakapikIt ang kanyang mga mata at kagat kagat nito ang kanyang pang ibabang labi na halos magdugo na.. panay ang pag iyak at hikbi niya. Butil butil na pawis ang namumuo sa kanyang noo.. namumutla na rin siya. Hindi pwedeng mangyari ito.. hindi pwedeng mawala ang baby nila ni Kuya.. dahil natitiyak kong sa oras na mawala o makunan siya.. matutuluyan ng mabaliw si Jas.. patung patong na ang problema..







" L-Lean.. y-yung b-baby k-kooooooo--- p-pleaseeeee s-sav------- nanlaki ang aking mga mata at pakiramdam ko tumigil ang tibok ng aking puso ng makita kong mawawalan na siya ng malay, putlang putla na ang labi niya at ang lamig lamig ng kanyang mga kamay..









" Jas!!!"





" Jas!!!"





" Shhiiitttt, Jas!!! "







Paulit ulit kong tawag sa kanyang pangalan.. pero bigo ako..























D  E  C  E  P  T  I  O  N (COMPLETED)Where stories live. Discover now