DECEPTION ENTRY # 11

11.4K 254 37
                                    





DECEPTION ENTRY # 11



Wala sa sariling pinunasan ko ang aking mga luha na kitang kita ko sa harap ng salamin. Mugtong mugto na iyon at magang maga ng dahil sa walang tigil kong pag iyak o mas tamang sabihin na pag iinarte ko sa kanilang lahat. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, nilunok ko na ang lahat ng pride at hiya ko sa katawan.. nagmakaawa na ako, at lumuhod sa kanya pero tila balewala pa rin ang aking mga ginawa.. Kulang pa rin ba? Kulang pa ba ang mga arte ko, ang mga luhang inilabas ko at mga hikbi at iyak ko para kahit papaano mapansin naman niya ako?.. Shet!! Lahat ng mga alam ko sa kanya, lahat lahat ng mga bagay na naikwento niya sa akin tungkol sa kanyang asawa at anak nailabas at nagamit ko na pero wala pa rin.. dahil sa tuwing magtatama ang mga mata namin ni Xander.. all I could see was hate.. remorse and anger towards me!! ganun niya kamahal ang babaeng iyon na wala namang ginawa kundi ang takasan at saktan siya!! Ganun niya kamahal ang Jasmine na iyon . Nakakagalit. Nakakainis. Dahil ako.. matagal ko na siyang minamahal.. 16 pa lang ako ng una ko siyang makita sa isang magazine na siya ang cover.. baliw na baliw ako sa kanya na ultimo kaliit liitang detalye ng buhay niya inalam ko.. lahat alam ko.



Hindi ako baliw.. hindi.. arte ko lang iyon.. na kinagat nilang lahat.. Matino ang aking isipan, matinong matino.. sinadya ko lang na umarte na hindi ko sila naalalang lahat.. na ako si Jas para makuha ko ang kanilang kalooban.. lalong lalo na si Leandro.. hanggat nakikita at nararamdaman kong gusto ako ni Lean.. malakas ang laban ko, ang aking kapit dahil alam kong kahit anong mangyari hinding hindi ako hahayaan nitong mag isa.. alam kong lagi siyang nasa tabi ko.. Noong una sinusundot ako ng aking budhi dahil sa mga kalokohan ng pinaggagawa ko.. pero habang tumatagal.. nag eenjoy na ako lalong lalo na sa tuwing makikita ko ang sakit sa mga mata ni Luigi.. ang lalaking sumira sa mga plano ko.. Dapat si Xander talaga ang ama ng pinagbubuntis ko.. pero ang hayup na yon!! pinagsamantalahan niya ako!! binaboy!! kinuha niya ang virginity ko na nakalaan lang ng gabing iyon kay Xander.. pero wala na akong magagawa nasa ganito na kaming sitwasyon kaya kailangan ko ng panindigan... kung sakali mang kailangang ipa DNA ang bata.. madaling gawan iyon ng paraan.. habang buntis ako at may buhay na pumipintig sa aking sinapupunan.. Magiging AKIN SI XANDER.. dahil wala ng makakapigil sa mga plano ko para sa aming lahat..wala na akong pakialam sa lahat ng tao sa paligid ko as long as.. nasa akin si Xander at Lean.. wala akong pakialam sa asawa niya.. kahit pa sa anak niya.. wala.. kahit si Chesca kayang kaya kong sagasaan basta masigurado ko lang na magtatagumpay ako .. at nagsisimula na ako..



" Ang tanga tanga nilang lahat. " mahinang usal ko sa harap ng salamin dito sa banyo. " Mga bobo.. tsk.. naturingang doctor itong si Chesca hindi man lang alam na pinagloloko ko na sila. Sa tagal ng pinagsamahan namin, hindi man lang siya nakahalata. " napangiti ako sa kanilang mga itsura kanina.. epic.. talaga.. hanggang sa tumawa ako ng mahina na unti unting lumakas.. dammit!! they're all smitten with my fucking drama.



" Nice one, Emilie. Napakinabangan mo ang pagiging theater actress mo noong highschool ka. Damn!! You fooled them. "



tok..tok..tok..

tok..tok..tok..

" E-Em, please open the door. " kagat labing nilingon ko ang pintuan ng banyo. Its Lean, damang dama ko sa boses niya ang lubos na pag aalala para sa akin. Napangiti na naman ako ng dahil sa katangahan nilang lahat.

Huminga ako ng malalim at saka ako sumagot.. "My name is Jasmine!! ako si Jasmine!! A-Ayoko s-sayooooo!!! S-Si X-Xanderrrr ang gusto ko Lean!! s-siyaaaaa langggggg-------- with matching luha pa na pumapatak kahit pa nga hindi niya iyon nakikita.. garalgal ang aking tinig para mas kapani paniwala..



" D-Damn Emilie!!! Open the door please!! parang awa mo na baka mapaano ang anak mo sa ginagawa mong paghihisterkal!! "



" S-Si Xanderrrr ang gusto kooooo bakit ba hindi niyo iyon maibigayyyy!! Talagang may mangyayaring masama sa anak namin kung h-hindi s-siya ang lalapit sa akinnnn! Utang na loob Leandro!! ako si Jasmine wag mo akong tinatawag sa ibang pangalannnn!! " mas lalo kong pinagbuti ang pagsigaw ko.. ang paghikbi hikbi ko ng malakas habang nagpupunas ako ng aking mga luha sa mata. Doon ko narinig ang pagkakagulo nila sa labas..ang sigawan at pagpilit ni Lean sa kanyang kapatid na siya na ang kumausap sa akin.. ang patuloy na pagkatok nila ng malakas sa pintuan ng banyo.. ang tila masisirang patulak tulak nila.. pero balewala iyon.. at hindi ako natinag.



" Oo na Emil---- Jas!! please buksan mo na ang pintuan.. makakasama sa anak mo ang ginagawa mong yan.. Kailangan mong kumalma, tandaa------------------



" Sinabi ng si Xander ang kailangan koooo at hindi ako si Emilie!!! Hindi kita kilala kaya please lang umalisss ka ng babae kaaaaa!!! "



" Emilie!!! "

" Em--------



"ahhhhhhhh!!! a-ang s-sakittt-------ahhhhh------- napahawak ako sa aking puson ng makaramdam ako ng pagguhit doon na ubod ng sakit.. nanlaki ang aking mga mata at napasigaw ako sa takot ng makita kong may dugong umaagos sa aking magkabilang binti.. nanginginig na itinaas ko ang hospital gown na suot suot ko pa.. para makasigurado akong dinudugo nga ako.. pero talagang sa pagitan ng aking mga hita nagmumula iyon.. nanlamig ang aking buong katawan.. butil butil na pawis ang gumigiti sa aking noo at pakiramdam ko tinakasan ako ng kulay sa aking buong katawan.. putlang putla ako .. totoo .. totoong totoo na ang mga nangyayari.. hindi pwede.. masisira ang aking mga plano k-kapag nawala ang b-baby ko.. " N-Nooooo!!! ang b-baby kooooooo!!! t-tuloooonggggg.. X-Xanderrrrr ang anak n-natinnnn!!" nanghihinang napakapit ako sink sa aking harapan pero tila marshmallow sa lambot ang aking tuhod kaya bumagsak ako sa aking kinatatayuan.



" Emilie!!!"

"Em!!"

" Emilie, anong nangyayari?!! Damn Lean, gamitin mo na ang susi!! bilisan mo!! "



Hilong hilo na ang aking pakiramdam.. iyak na ako ng iyak.. yung totoong iyak dahil sa takot na baka mawala sa akin ang aking anak ng dahil sa kagagahan ko.. Hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili kun-------- napahinga ako ng malalim ng makaramdam ako ng contraction sa aking puson.. halos mamilipit ako sa sakit.. mahigpit na napahawak ako sa ibaba ng aking puson.. habang humihikbi ng malakas.. nagdadasal ng taimtim.. pero tang ina lang!! pakiramdam ko this time!! hindi na siya makakaligtas.. " L-Leannnn!!! p-pleaseeeee.. a-ang a-anak k-ko.. t-tulonggggggg.. ------------------ kahuli hulihang sigaw ko bago ako lamunin ng kadiliman.. Pero nadinig ko pa ang malakas nilang sigaw ng mabuksan nila ang pintuan.





" Oh my God, Emilie!! "

" Lean!! damn it! pick her up kailangan na natin siyang madala sa ospital!! "

" Emilie, Shit!!! "



God.. patawarin niyo po ako...

patawarin..

patawad po..

Iligtas niyo po ang aking anak..

Iligtas niyo po siya..

D  E  C  E  P  T  I  O  N (COMPLETED)Where stories live. Discover now