DECEPTION ENTRY # 9

11.5K 305 39
                                    



DECEPTION ENTRY # 9



I opened my eyes slowly, ikinurap kurap ko iyon dahil nasisilaw ako sa liwanag ng ilaw na nasa kisame. N-Nasa ospital ako amoy pa lang, alam ko na. Iginala ko ang aking paningin sa paligid, hinahanap ng aking mga mata ang isang taong alam kong lubos ng nag aalala sa akin.. si Xander.. pero bigo akong makita siya.



Xander..



Si Xander..

P-Parang sirang plakang nagpapaulit ulit sa aking isipan ang mga nangyari kanina.. ang mga narinig kong usapan ni Lean at ng doktorang iyon..




" Kung ganoon naman pala, bakit inalok mo siya ng kasal? Bakit kailangan isakripisyo mo ang kalayaa-----

" Para iyon kay Jas, kay Xander at sa pamangkin ko. Chesca, nagsisimula pa lang ulit sila ng panibagong buhay. Ngayon pa lang bumabawi si Kuya sa pagkukulang niya sa mag ina niya. Sino ako at si Em para sirain iyon. Nagmahal din ako.. minahal ko si Jas ng sobra sobra, nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali kaya nagkahiwalay sila ni Xander.. Ito na .. ito na ang kabayaran noon.. at isa pa.. pamangkin ko ang nasa sinapupunan ni Emilie. . Dugo at laman ko rin iyan. Isa ring Montenegro ang batang isisilang niya. "

" Pero hindi ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ni Em. Si Xander.. ang kuya mo.. Hindi maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali, Leandro. "

" Sabihin niyo ang katotohanan. Sabihin niyo kay Xander ang katotohanan. My god maawa kayo sa asawa niya. Mas lalo niyong paguguluhin ang sitwasyon. Mas lalo niyong palalakihin ang gulo. Hindi niyo maitatago ang lahat, Lean. Habang hindi niyo pa nasisimulan, itigil niyo ang kabaliwan na ito!!"

" At anong gusto mo!! hayaan kong mabaliw si Jas, masiraan ng bait!! kapag nalaman niyang nabuntis ng kapatid ko si Emilie!! Ipit na ipit na ako Chesca!! Gustong gusto kong magsabi ng totoo pero hindi ko magawa dahil sa tuwing susubukan ko, pumapasok sa isipan ko ang pamangkin ko na si Dria at ang kalagayan ni Jas!! They were happy.. happy family.. " Ilang beses akong huminga ng malalim.. dahil sumasabulat na ang galit ko sa babaeng aking kaharap.. how dare she!! I have no choice.. I have no choice. "She will lose her insanity again!! hindi mo ba maintindihan iyon! At isa pa wala kami dapat sa ganitong sitwasyon kung hindi ipinilit ni Emilie ang sarili niya sa kapatid ko!! my godddd that was rape!! "

" She love your brother very much!! kaya niya nagawa ang bag---

" And that's bullshit!! Sinadya niya iyon!! sinadya niy-----



N-nakabuntis si X-Xander.. s-sinadya man o h-hindi.. m-masakit pa rin ang d-dating sa akin. Pakiramdam ko uti unti akong inaalisan ng buhay.. kasi ako.. nasaktan na niya ako todo, nasira man niya ang buhay ko.. nagalit man ako sa kanya.. kahit anong gawin ko.. siya pa rin ang mahal ko.. siya lang.. ni kahit na kaninong lalaki hindi ako tumingin sa iba.. hindi ako natukso.. kahit kailan hindi.. pero siya.. Ang akala ko ako lang.. ako lang ang babaeng pwede niyang mahalin, akin lang ang puso niya.. ang isip niya di nga ba kaya kami nasa ganitong sitwasyon iyon ay dahil sa sobrang pagkabaliw at pagka obsesses niya sa akin? Pero bakit ganoon? bakit kailangang may humadlang na naman sa pagsisimula naming dalawa..? inaayos pa lang namin ang lahat.. ang lahat lahat sa simula.. pero eto na naman po kami.. may-------- dahan dahang nagpatakan ang aking mga luha sa aking mga mata.. puno ng takot----- takot na takot ako..



Ang b-baby ko.. ang b-baby ko.. may d-dugo.. m-maraming d-dugo k-kanina ang aking mga b-binti.. h-hindi s-siya p-pwedeng m-mawala!! H-hindi.. hindi ko na kakayanin kung sakali mang m-maulit ulit ang b-bangungot n-na iyon..



D  E  C  E  P  T  I  O  N (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon