DECEPTION ENTRY # 8

12.3K 287 43
                                    



DECEPTION ENTRY # 8



Wala ako sa aking sarili. Bawat masasakit na salitang binitawan ni Lean sa akin kanina paulit ulit iyong napapabalik balik sa aking magkabilang tainga. Hindi ko magawang pumasok sa kwartong kinalalagyan ni Jas. Hindi ko alam kung anong sasabihin at ikikilos ko sa kanyang harapan. Hindi ko alam kung may karapatan pa ba akong magpakita sa kanya? kahit pa nga gustong gusto ko siyang makita. Buntis siya.. buntis ang aking asawa.. muntikan na namang mawala sa amin ang aming magiging anak... And I dont know what will happened kung sakaling wala si Lean ng mga oras na iyon.. Si Lean.. hindi ko alam kung papaano ako magpapasalamat sa lahat lahat ng mga ginawa niya para sa akin.. pero pakiramdam ko may malaking kasalanan ako ng dapat pagbayaran sa kanya ngayon.. I can see in his eyes that he was falling .. falling to Emilie.. pero ako na naman ang hadlang.. Gusto kong makita si Jas.. gusto ko siyang damayan, yakapin at ipaloob sa aking mga bisig ang kaso nakikinikinita ko na naman sa aking isipan ang lumuluha niyang mga mata.. ang mga hikbi niya na dumudurog sa aking puso. Ang mga matang iyon.. ang mga matang iyon na makikita ang sakit at galit para sa akin.. Pakiramdam ko bumalik lang ulit kami sa dati.. and worst.. mas malala pa.



Hindi ko alam at wala akong maalala.. Hindi ko talaga alam kung papaano nangyari na may nangyari sa amin ni Emilie.. wala akong matandaan.. ang tanging pruweba lang na nagpapatunay noon ay ang bahid ng dugo sa bedsheet ng aking kama.. at isa pa.. siya lang ang kasama ko ng araw na iy------------" Ayos ka lang ba talaga, Xander?" napatingala ako sa nagmamay ari ng kamay na iyon na nasa aking kanang balikat. Muntikan ko ng makalimutan na nasa opisina pala ako ni Chesca ang kaibigang matalik ni Emilie. Napatingin ako sa may gawi ng pintuan kung nasaan nakatayo si Lean habang nakasandal. Nakatiim ang bagang nito, hindi ito nakatingin sa akin, actually simula ng pumasok siya sa loob.. iniiwasan niyang mapadako sa akin ang kanyang tingin. His face was tensed and grim.



" I'm n-not. Sa lahat ng mga nalaman ko ngayong araw na ito.. wala na akong lakas at gulong gulo na ang aking isipan. I dont remember everything or anything that happened that day.. I swear to god wala akong maalala.."



"Please tell me what is happening? Bakit kailangan mo akong makausap, I mean kaming makausap?" halos pabulong kong tanong sa kanya pero alam kong narinig din naman niya. Umupo siya sa aking tabi at bumuntong hininga ito ng pagkalalim lalim. " I swear to god I have no idea that she was sick.. k-kaibigan niya ako p-pero w-wala akong alam n------



" Anong ibig mong sabihin Chesca?!! Anong sakit ni EMilie?!! Ano pa bang mga inililihim mo sa akin?!! Dont you think I have the right to know everything about her since Im the one whose taking care of her?!! " wow.. wow lang talaga, galit na galit siya habang sumisigaw sa aming harapan ni Chesca.. HIndi ko nga naramdaman ang paglapit niya sa amin. This Lean in front me was very different from what I've known.. dammit!! he was fucking in love with Emilie, and he didn't even realized it.



" Chesca!!"

" Chesca, goddammit tell m-----------

" Lean!!" sigaw ko habang hawak hawak ko ang kanyang kanang kamay na mahigpit ng humahawak sa kaliwang braso ni Chesca, for god sake he was hurting her.. at hindi nga ako nagkamali ng makita ko ang mga luhang unti unting pumapatak sa kanyang mga mata.. nanginginig ang kanyang labi habang nakatingin ng may takot kay Lean.

" Bitawan mo ang kapatid ko." kunut noong tiningnan ko ang nagmamay ari ng tinig na iyon, ni hindi ko man lang napansin na may kasama pa kaming iba sa opisinang ito.. Nahatak ko ng papalayo si Lean kay Chesca habang yakap yakap naman ito ng lalaking iyon. " Kung anuman ang maririnig niyo sa akin, sa lahat ng mga sasabihin ko.. walang alam doon ang aking kapatid. Spare her please, she doesn't know what I did.. "



" I dont know where to start, or how sorry I am. Pero gusto kong malaman niyo na hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat ng dahil sa kagaguhang ginawa ko." huminga siya malalim at pumikit. " A-Ako.. ako ang ama ng pinagbubuntis ni Emilie. Ako talaga at hindi ikaw Montenegro------------- tulala lang akong nakatingin sa kanya, wala na akong maintindihan sa paligid.. ni hindi ko man lang naramdaman na nabitawan ko na si Lean at dahan dahan na akong napapaluhod.. nanghihina ang aking buong katawan dahil sa sobrang relief na aking nararamdaman.. yung lahat ng takot, galit at pag aalinlangan ko kanina sa aking sarili kanina.. naglahong parang bula.. para akong tangang nakayuko habang nakaluhod sa kanilang harapan. Nanlalabo ang aking paningin pero hindi ko iyong ininda.. may tumutulong luha sa aking magkabilang pisngi pero balewala.. yung puso ko.. ang lakas lakas ng tibok.. yung lalamunan ko naninikip at nananakit.. umiiyak ako.. umiiyak ako sa sobrang saya.. dahi----------- " That night ng magcelebrate kayo ni Emilie, Xander. I was there.. hindi ako mapakali dahil mayrooon akong pakiramdam na may gagawin siyang hindi maganda.. at hindi nga ako nagkamali dahil pagkabukas ng pagkabukas niya ng pintuan ng condo mo nakita kitang walang malay na nakahiga sa sofa dahil sa sobrang kalasingan, at bukas na ang ilang butones ng pang itaas mo at masyado ng mahalay ang damit niya.. I lost it when I saw her like that, mahal ko siya.. mahal na mahal ko siya.. kaya nagawa ko ang bagay na iyon.. I-I raped h-her t-that night o-on t-top of y-your b------------------------



booooogssshhhhh

Bumagsak siya mula sa kanyang kinatatayuan dahil sa malakas na pagsuntok ni Lean, hindi malaman ni Chesca kung anong gagawin, kung sino ang aawatin sa kanilang dalawa.. Kaya hinamig ko ang aking sarili at mabilis kong tinungo ang kinatatayuan ni Lean na handa na namang hablutin ang damit ng lalaking iyon na nakahiga pa at dumudugo ang gilid ng labi.. Inakbayan ko siya.. Inilagay ko ang kanang braso ko sa dibdib niya parang yakap yakap ko siya at hinahatak ko siya palayo.. nahihirapan ako dahil napakalakas niya, pumipiglas siya sa akin.. pero hindi ko siya hinayaang makawala sa akin dahil sa oras na mangyari iyon.. kawawa ang kapatid ni Chesca na kasalukuyang tumatayo habang hinihimas himas ang pisnging nasaktan.. " Hayop ka!! Hayop!! P**tang inang pagmamahal yan! magkakasundo nga kayo ng kapatid ko parehas kasi kayong mga demonyo!!"

Nabitawan ko siya dahil sa malakas na pagtabig niya sa aking braso na nakapigil sa kanyang dibdib.. nanlilisik ang kanyang mga mata habang nagpapalipat lipat ang tingin sa aming dalawa ng lalaking iyon. Hindi ko maiwasang mahiya dahil totoo naman ang mga sinabi niya.. parehas kami ng ginawa para lang mapasaamin ang aming mga babaeng pinakamamahal.. pero nagmahal lang naman kami.. at sa nakikita ko ganoon din si Lean kaya siya nagkakaganito. " She's sick.. not the sickness that can be cured.. dahil ang sakit na sinasabi ko ay sakit sa pag iisip.. kung anuman ang nakikita niyo sa kanya ngayon.. iyon ay dala ng pagkabaliw niya..pagkabaliw niya ng dahil sa sobrang pagmamahal niya sayo Xander Montenegro. Sh---------



" Shut up!! Shut up!! Matino si EMilie!! Matino kaya wag kang gumawa ng istorya para lang maisalba ang kahayupang ginawa mo!! Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo!! Hin------------

" She's crazy Lean.. and that's true.. she was threatening to kill the b-baby on her tummy oras na magsabi si kuya ng totoo. And she need help.. And we need your help.. I'm s-so-----------

" T**ng ina !!! T**ng ina lang talaga!! Papaano ako?? Matapos ang lahat ng ginawa ko para sa kanya, para sayo kuya.. para sa inyong lahat.. maiiwan at masasaktan na naman ako bandang huli!! Si Emilie yun!! Si Emilie, Chesca!! Naiintindihan niyo ba ako!!?" pare parehas kaming natigilang lahat at nakatingin lang kami kay Lean na dahan dahang naglalakad papalayo sa aming lahat.. naglalakad siyang wala sa sarili.. kitang kita ko ang panginginig ng kanyang buong katawan at napansin ko ang pagpapahid niya sa kanyang magkabilang pisngi kahit pa nakatalikod siya sa amin. He was crying.. gusto ko siyang lapitan at damayan pero alam kong itataboy lang niya ako.. nasasaktan na naman siya.. una ng dahil sa akin.. ngayon nama-------



" W-Wag niyo na akong isali sa g-gagawin n-niyo.. d-dahil h-hindi k-ko kaya.. hindi." that's his last word bago niya tuluyang isara ang pintuan at nawala sa aming paningin..





D  E  C  E  P  T  I  O  N (COMPLETED)Where stories live. Discover now