Start - 1000 messages

309K 4.6K 1.4K
                                    

Monthly period. Naku naman, bakit ngayon pa? Mabuti kung dumudugo lang, masakit eh! Tinatamad tuloy akong pumasok. May event pa naman ngayon sa school tapos eto ako, hindi makaalis ng bahay dahil sa sakit ng puson ko! Agh!

Bakit kasi kailangan pang magkaroon ng monthly period? Bakit hindi na lang ginawang yearly period! Kung yearly period edi sana isang beses lang sa isang taon, kesa ganito, monthly! Twelve times a year! My God! Twelve times a year! You see? We, the women are the most powerful creature in the world. Why? We bleed for 5 days and not die! Yun nga lang, ang daming side effects. Lalo na saken, masakit sa puson, masakit sa ulo, masakit sa kung anu-ano. Nakakainis talaga.

"Ate..."

"Oh ano?!" Sagot ko sa 4-year old kong pinsan na si Kenichi.

"Ate pahiram po ng *toot toot*"

"Ano?! Anong *toot toot?!" Agh! Ang sakit ng puson ko! Umalis pa si Mommy, Nagsisimba kasi siya every saturday 6:00 PM, ako pa tuloy ang magbabantay sa pinsan ko!

"Yung *toot toot" nga ate eh."

"Tae naman Kenichi! Ano ba yun?!" Tapos biglang nag-vibrate ang phone ko, may nagtext. Nang tingnan ko, si Emily, classmate ko. GM lang naman. Alam niyo yung minu-minuto mag-gm at kung makapag-gm halos ikwento na ang talambuhay niya? Yun yung natanggap ko. Agad-agad kong binura. Walang space ang message niya sa inbox ko dahil ang inbox ko, reserved lang para sa boyfriend ko. In fact, 999 messages ang laman nito at lahat yun eh text ni Gian. Bihira kasi siya magtext ng super sweet. Hindi siya mahilig magtext eh, he prefers talking to me personally. Kaya naman sa tuwing magtetext siya ng sweet message na akala mo may himala kaya niya nagawa yun eh talagang hindi ko binubura. Iniipon ko sa inbox ko. At sa loob ng 3 years namin, 999 messages na galing sa kanya ang naipon ko. Sabihin niyo ng ang korni ko pero wala kayong magagawa, text collector ako ng text messages niya.

"Yan po ate. Hiram ako niyan." Tapos tinuro niya ang phone ko.

"Ano bang gagawin mo dito?"

"Maglalaro po ate. Please ate?"

"O siya sige, maglaro ka na. You know how to use this?"

"Yes ate! Thank you ate!" Tapos inabot ko na sa kanya ang cellphone ko. Halos magtatalon sa tuwa si Kenichi. Pasalamat siya at hindi ko katext si Gian dahil kung ka-text ko yun, nunca na ipahiram ko sa kanya ang cellphone ko.

Pumunta ako sa kusina to get some cookies. Lalamon na lang ako ng lalamon para sumakit ang tiyan ko. At kapag sumakit ang tiyan ko, viola! Tatalunin niya ang sakit ng puson ko. Puson VS Tiyan lang ang peg! HAHAHAHA. Kidding.

Busy ako lumamon ng cookies ng biglang sumigaw si Kenichi.

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now