The Proposal

31.3K 971 33
                                    

Chapter Fourteen

"ANO naman ang isinagot mo?" tanong ni Carlotta kay Belinda matapos niyang ikuwento rito ang naging katapusan ng pag-uusap nila ni Terrence.

"Ano pa nga ba ang isasagot ko? Natural, pumayag na lang ako. I'm sure kapag nakita niya ang result ng DNA ay titigil na sa pangungulit 'yon."

"Sigurado ka?"

"I'm sure. Dahil ano pa ang posibleng kailanganin niya sa akin? Nakuha niya na ang lahat."

"At ikaw?"

"Ano sa akin?"

"Wala ka na bang...lihim na pagnanasa sa kanya?"

"Pagnanasa talaga? Hindi ba puwedeng may kasama namang feelings?"

"'Nyetang feelings 'yan, d'yan tayo madalas mapahamak, eh. Hindi ba puwedeng kapag nakakaramdam tayo ng init ng katawan ay iraos na lang natin, regardless kung gusto natin ang isang lalaki o hindi?"

"Kaya nga tayo tinawag na babae, di ba? We're very emotional creatures compare to men. Pero bakit parang may hugot? May pinagdadaanan ba ang recluse at very private erotic novelist na si Calixta Monroe?"

"Wala, 'no? It's just that sometimes I wish I can be as uninhibited as my heroines. 'Yong tipong que sera sera, no guilt to haunt me later."

"Carly, ilang buwan na lang trenta anyos ka na. 'Yong mga isinusulat mong erotic novels ay pulos sa imaginations mo pa lang nangyayari. Ni isa sa mga iyon ay hindi mo pa personal na nararanasan. Hindi ko alam kung paano kang naging effective na erotic novelist samantalang maski halik ay wala ka pa yatang karanasan."

"Hah! 'Yan ang akala mo."

Nandilat bigla ang mga mata ni Belinda. "Totoo? Sino?"

"Si Chris Hemsworth."

Muntik ng maihampas ni Belinda ang hawak na apron kay Carlotta. 

"Naguguluhan nga ako kung sino ang pagbibigyan ko sa kanila ng katawan ko. Si Chris Hemsworth ba o si Chris Evans."

"Baliw! Puyat ka ba? O epekto lang 'yan ng global warming?"

"Pareho."

Nagkatawanan sila. "Seriously though, wala ka bang balak hanapin si Mr. Calixta Monroe?"

"Kailangan ko ba talaga siyang hanapin? Hindi ba puwedeng siya ang maghanap sa akin?"

"Alam mo, hija. Ang kapalaran, tamad minsan kung gumulong kaya kailangan mong hanapin."

Napanguso lang ito sa sinabi niya.

Maganda si Carlotta. Sa katunayan ay ligawin din ito. Ngunit likas yata sa mga writer ang maging pihikan sa pag-ibig. At isang perpektong halimbawa ang kaibigan niya.

"Sagutin mo na si Bradley," siko niya rito, nangingiti.

"Eww. I don't date rejects. Pagkatapos mong ikuwento sa akin kung paano siyang humalik, ugh. Never mind."  

"Sobra ka naman. Guwapo naman si Bradley, ah."          

"Aanhin ko ang guwapo kung hindi naman kayang patirikin ang mga mata ko." 

Napahalakhak siya. Kapag nagsasalita nang may kaberdehan si Carlotta ay nakakaligtaan niyang virgin pa ito. 

Nang magsimula ng mapuno ng mga kustomer ang Buccaneer's ay naputol na ang pagkukuwentuhan nilang magkaibigan. Kanya-kanya na silang trabaho.

Busy si Belinda sa paghahalo ng isang inumin nang may malanghap siyang pamilyar na pabango. Kumakabog ang dibdib na nag-angat siya ng tingin. Hindi na siya dapat nagulat nang makasalubong ang mga mata ni Terrence, and yet there she was. Eratikong pumipintig ang puso at daig pa ang isang nagdadalaga na muling nasilayan ang kanyang nagugustuhang binata.

Velvety Flame (Chains of Passion Book III)Where stories live. Discover now