Kabanata 22

43.5K 606 26
                                    

 Kabanata 22

Madilim noon at umuulan habang binabaybay nilang magnobyo ang kalsada. Masaya nilang pinag-uusapan ang pagplano ng nalalapit nilang kasal ng sa isang iglap na lamang ay may nakakasilaw na liwanag at maingay na busina ang sumalubong sa kanilang dalawa.

Kahit nahihilo at masakit ang buong katawan ay pinilit niyang imulat ang kanyang mga mata ngunit hindi niya ito magawa, ganoon na lamang ang takot niya ng maramdaman ang sariwang dugo na malayang umaagos sa kanyang mga mata. Pilit siyang nangapa sa kadiliman hanggang sa mahawakan niya ang isang kamay.

 

"Russel? Russel! Ayos ka lang ba?!!" niyugyog niya pa ang kamay nito ngunit wala siyang sagot na natanggap rito. Nilukuban na siya ng takot.

"Russel! Russel magsalita ka! Russel!!" Kung sana ay kaya niyang imulat ang kanyang mga mata upang malaman kung ayos lang ba ang nobyo. Sumabay na lamang ang kanyang tahimik na iyak sa ulan na wala pa ring tigil sa pagbuhos.

 

Nagising si Clarisse mula sa mahimbing na pagtulog na may kirot sa kanyang puso, dinama niya ang mamasa masa niyang mga mata mula sa mga naipong luha. Sa wakas ay nakatulog siya ng mahimbing at hindi niya akalain na muli niyang mapapaginipan ang trahedyang kanyang kinasangkutan noon.

"Ang mga mata ko? Kanino nga ba nanggaling ang mga ito?" kailanman ay hindi niya inalam kung kanino nanggaling ang kanyang mga mata. Tatlong taon na ang nakakaraan ng mangyari ang aksidenteng iyon, dead on the spot ang kanyang nobyong si Russel habang siya naman ay napuruhan ng mga bubog ang kanyang mga mata na siyang naging dahilan upang mabulag ang dalaga.

Ilang buwan matapos siyang sumailalim sa eye transplant ay nagsimula na rin ang mga nakakatakot at hindi niya maipaliwanag na mga panaginip. Malabo sa una hanggang sa luminaw na ang lahat at unti unti ay nagkaroon ng detalye. Hindi maialis sa isip ng dalaga kung may kinalaman man ang aksidente sa lahat ng nangyayari ngayon.

Matapos ang ilang minutong pagmumuni muni ay naisipan na rin ni Clarisse ang bumangon. Sandali lamang siyang nag shower at nagbihis ng simpleng bestida. Agad niyang tinakbo ang pababa ng komedor at nagpasalamat ng tahimik ng maabutan pa si Aaron na kasalukuyang nagkakape. Luluwas ang binata sa Maynila upang asikasuhin ang napapabayaan na nitong trabaho dahil na rin sa mga hindi maipaliwanag na nangyayari.

"Good morning. Tara na't mag-almusal Clarisse." matamis siya nitong nginitian. Muli ay nag-unahan na naman sa pag-tibok ang puso niya. Mahal na nga niya talaga ang lalaking ito. Ang lalaking minahal niya mula pa sa panaginip niya at ngayon hanggang sa realidad. Ngunit siya nga ba talaga ang nagmamahal kay Aaron o si Victoria na ginagampanan niya sa panaginip.

"Maaari ba akong sumama sa iyo sa Maynila? Pupunta lang ako sana ako sa Makati Med." malambing niyang tanong sa binata habang inaabutan siya nito ng kape.

"Ano naman ang gagawin mo roon Clarisse? Ayaw mo bang dumito nalang?" nag-aalala nitong tanong sa kanya.

"Mas lalo naman hindi ko kaya manatili sa mansion? Huwag kang mag-alala may aasikasuhin lang ako sa hospital."

"Kung gusto mo ay maaari kitang samahan?" alok ng binata kay Clarisse.

"Ayos lang ba?" walang sandali ang ayaw niyang palampasin na makasama si Aaron. Wala siyang ideya kung ano ang kakayahan ni Victoria upang kuhanin ang sarili niyang katawan  kaya naman gusto niyang sulitin ang mga panahon na kasama ang binata. Mahal niya ang binata, walang duda ngunit paano si Aaron? Ano bang nararamdaman nito para sa kanya? Bahagya siyang nakaramdam ng kirot sa isiping iyon kaya naman isinantabi niya na lamang ito.

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon