Kabanata 23

48.8K 548 15
                                    

Kabanata 23

"Sa tingin mo ba mamahalin ka ni Aaron?" nakangising tanong ng kaharap ni Clarisse. Animo siya nakaharap sa salamin dahil magkamukang magkamuka ang kanilang mga suot. Simula sa suot niyang maskara hanggang sa kulay pula niyang sapatos. Naghahamon ang boses ng babaeng kaharap niya.

"Kahit anong gawin mo ako pa rin ang nakikita ni Aaron. Ikaw nga ang kasama niya pero dahil sa mga mata ko ako pa rin ang minamahal niya." masasabi niyang puno ng galit ang boses ni Victoria. Puno ng inggit sa buhay na mayroon siya ngayon.

"Ako nalang dapat ang nabuhay! Bakit kailangang ikaw pa?!! Sa ating apat bakit ikaw pa?!!" tinanggal ni Victoria ang kanyang maskara bakas sa magandang mukha niya ang labis na inggit.

"Hinding hindi mo makukuha ang katawan ko! Wala ka ng magagawa! Akin 'to! At ikaw? Patuloy na pagpipiyestahan ng uod ang katawan mo!" sigaw ni Clarisse. Hindi niya kailangang matakot dahil kaluluwa lang ang kaharap niya. Alo niya sa sarili upang hindi lukuban ng matinding takot.

"Pasasaan ba't makukuha ko rin ang katawan mo. Bakit hindi si Aaron ang papiliin natin? Kaunting panahon nalang Clarisse." nagtayuan ang mga balahibo ng dalaga sa pagtawa ni Victoria.

"Natatakot ka na ba? Ako ang pipiliin ni Aaron. Kaytagal niyang hinintay na makasama ako. Siyempre sino ka ba sa buhay niya? Bakit ikaw ang pipiliin niya?" tinaasan siya nito ng kilay at muling tumawa.

"Kaawa awang Clarisse. Maganda ka naman at matalino hindi na masama kung mabubuhay ako bilang ikaw. Pano ka? Hmm. Pagpipiyestahan ka ng mga uod sa hukay ko." naningkit ang mga mata ni Clarisse sa mga pananakot ni Victoria. At bakit niya hahayaan na makuha nito ang katawan niya? Sakanya iyon.

"Bakit sa tingin mo ba hahayaan ni Allen na hindi ka niya maisama sa impyerno? Hindi nga ba't isinama ka niya hanggang kamatayan. Sa tingin mo ba hahayaan niya na magkasama kayong muli ni Aaron habang siyang sinusunog sa impyerno?! Pwes nagkakamali ka! Kung kailangan makipag-usap ako sa hudas gagawin ko. Dapat kang mapunta sa impyerno! Yan ang nararapat sa isang ganid at isang taksil na nobya na katulad mo!" si Clarisse naman ang napangiti ng mapansin ang takot ni Victoria. Labis ang obsesasyon ni Allen kay Victoria ang kailangan lang niya ay ang magtiwala dito.

"Gagawin ko ang lahat makasama lang si Aaron. Maibalik lang ang buhay na dapat mayroon ako! Ayaw mo ba noon? Makakasama mo na din si Rusell. Makakasama mo na ulit ang pinakamamahal mong nobyo." magsasalita pa sana siya ng unti-unti ng lamunin ng dilim si Victoria na may nanlilisik na mga mata.

Pawis na pawis si Clarisse ng magising siya. Agad na bumungad sa kanya si Aaron na tahimik lamang na nagmamaneho. Hindi pa sila nag-uusap simula ng manggaling sila sa hospital hanggang sa pag-uwi. Inabot na sila ng dilim sa pag-uwi dahil sa malakas na ulan na naging sanhi ng matinding trapiko sa NLEX. Nagbuntong hininga na lamang ang dalaga at napasapo sa kanyang noo.

"Nanaginip ka. Ano iyon?" malamig na tanong ni Aaron sa kanya na seryoso pa ring nakatutok ang mga mata sa daan.

"Si Victoria." halos pabulong lamang niyang sagot. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang napalingon sa kanya ang binata ngunit agad din nitong inayos ang sarili.

"Ang sabi niya matagal mo daw hinintay na makasama siya. At ngayong alam mo na may posibilidad na magbalik siya ipagpapalit mo daw ako. Sino nga ba ko? Siyempre mahal mo siya kaya gagawin mo ang lahat para bumalik siya!" hindi na napigilan pa ni Clarisse ang kanina pa niya pinipigil na mga luha. Napahagulgol na lamang siya sa isiping iyon. Agad na iginilid ni Aaron ang kotse at pinaghahampas ang manibela.

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon