Home Again

1.3K 58 6
                                    


9:30 AM

*tooooot* *toooot*

Nagising si Georgia sa tunog ng kanyang alarm clock. Bumangon ito kahit na medyo inaantok pa siya. Late na kasi siya nakauwi from school kagabi dahil sa rami ng requirements na inasikaso niya for her graduation.

"Whaaaat? 9:30 na!!! Holy cow."

Agad siyang bumangon, papunta na dapat siya sa bathroom nang nag-ring ang cellphone siya.

"Anak, nag text sa akin ang kapatid mo. Malapit na daw sila ng Mama mo."

"Osige po, Pa. On the way na po ako!" On the way talaga? o otw sa banyo?

After taking a bath, she went to her closet, and decided to wear her favorite white long sleeves and boyfriend jeans. Dumeretso agad siya sa kotse niya para hindi siya ma-late.

On her way to the airport, she receives a message from her Papa.

Papa:
don't forget to eat your breakfast and take your meds before anything else, ha? love u. :-)

Darn! Hindi siya nakakain ng breakfast sa sobrang pagmamadali. Jusko Lord, ikaw na bahala. After a few minutes, andito na rin siya sa airport.

Ang daming tao, ang init, & ang ingay 'tas sinabayan pa ng gutom at puyat niya. Sa lahat pa naman, 'yan ang pinaka-ayaw ni Georgia kahit nung bata pa siya kasi madali siyang mahilo sa ganito. Kung hindi lang sana ako ganito, sana hindi na ---"

"GEORGIA!!!" She heard someone called her & she already knew to whom it came from. She looks back and sees her twin sister running towards her.

"Georgina? Oh my gosh, girl!!! You look completely different!"

She hugs her sister so tight. Gawd I waited 13 years for this! She knew she's already in tears. It has been a long time since the last time she saw her sister.

After the hug, she looks up and sees someone she've longed to see.

Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Lungkot, saya, kaba, o excitement. Hindi niya alam kung aakapin niya ito dahil hindi niya alam kung ano ang magiging tugon nito.

"Mama..." A tear fell on her cheek the moment the word Mama came out from her mouth.

Rachel only smiles when she greeted her. There's a sudden pain in Rachel's heart when she sees her daughter. Kala niya ok na. Kala niya pag nakita niya uli ang anak, magiging ok na. Pero parang biglang bumalik lahat ng sakit.

"What took you so long? Hindi ba nasabi ng Papa mo na 9:50 kami dadating." Nagkatinginan ang magkambal at ngumiti lang si Georgia sa kilos ng ina.

"Sorry po, Ma. I woke up later than the usual. Tara let's go na po. I'll help you na po, Ma."

Ngayon nalang nga uli sila nagkita, ganoon pa. Hindi alam ni Georgia kung ano gagawin niya nung mga oras na iyon. Biglang nanikip yung dibdib niya, nandilim na ang paningin niya, at parang mawawalan na siya ng malay kaya inaya niya na agad sila na pumunta na sa kotse.

Pagkatapos nilang ilagay ang mga bagahe sa loob ng kotse ay sumakay na sila. Umupo si Georgina sa tabi ni Georgia sa harapan at si Rachel naman ay sa likod nila.

r a c h e l

Ilang taon na rin ang lumipas. Ang laki na ni Georgia. Akalain mo 'yun? Dati ayaw na ayaw niyang sumasakay sa kotse kasi nahihilo lagi pero ngayon siya na ang nag d-drive para sa amin. Gusto ko man siyang tanungin kung kamusta na siya, kung yung sakit niya ba wala na, o kung kamusta na ang pag-aaral niya kasi parang tuwing lalapit ako, may pumipigil sakin. Yung tuwing nakikita ko siyang nakangiti, nagagalit ang puso ko.

Behind The Selfies (CharDawn OSC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon