CHAPTER TWENTY NINE: NE ME QUITTE PAS

13.7K 290 71
                                    

ED NOTES: Hi guys sorry natagalan yung update but thank you sa paghihintay. This will be the second to the last chapter...Chapter 30 which is the finale will be posted on September 1st. Thank you for all your support....enjoy! 

“Red itabi mo at umuulan na” utos sa akin ni Heski habang nakaangkas ito sa likod ng aking bisekleta

“Okey lang yan...Sige kapit lang Heski” sagot ko sa kanya saka ko pa lalong binilisan ang takbo ng bisekleta

Alalang alala ko pa kung gano kami kasaya nuon, dalawang bata na walang iniisip kung hindi maglaro at magsaya

“Ano diba ang saya?” tanong ko kay Heski

“Oo....masaya rin tayo mamaya pag pinagalitan tayo ni lola” pagbibiro ni Heski

Napaka simple ng buhay namin, kung maynakapagsabi siguro sa amin nuon na hanggang paglaki namin ay kami parin ni Heski ang magkasama...maniniwala ako kasi simula nuong araw na hilingin nyang maging kaibigan ako ay pinangako ko na sa sarili ko na pahahalagaan ko siya na parang isang kapatid.

“Heski unahan tayo hanggang sa inyo?”

“Ayaw ko matatalo lang ulit ako”

“Sige na...pag nanalo ka ililibre kita ng chocolate”

“Eh matata rin naman ako”

“O sige na nga kahit matalo ka pa ililibre parin kita promise”

“Sige na nga” nakangiti nitong sagot. Kitang kita ko kung pano lumiwanag ang mga mata nito.

“Ready?”

Tumango ito sabay posisyon ng kanyang katawan upang tumakbo

“Set”

Muli ko itong tinitigan

“Go!”

Napakasarap balikan ang mga alaala ng aking kabataan na kasama si Heski. Hindi ko lubusang maisip kung anong naging buhay ko kung hindi ko siya nakilala.

“Red hintay” hinihingal na habol sa akin ni Heski

“Sige lang habol”

“Red pagod na ako....maglakad nalang tayo”

Ang layo layo na ni Heski sa dating sya. Dati ay mahiyain ito, lampa at madaling mapagod. Ngayon ay matapang na ito, at kahit anong pagsubok na dumating sa buhay nya ay kayang kaya nyang harapin.

“Red”

“Sige habol lang Heski” mahina kong sabi

“Huh?” nagtatakang tanong ni Heski sa akin

“Ano?” sa wakas ay natauhan narin ako mula sa aking pag mumuni muni.

“Bakit kita hahabulin?” nagtataka nyang tanong?

“Huh? Ah eh...Eh” nangingiti kong sagot “Wala yun...ano ready ka na?” balik na tanong ko sa kanya

“Yata”

“Anong yata? Sabihin mo ready ka na?” sabay hila sa kanya palabas ng condo.

--------------------------------

“Tigil mo nga yan” sita ko sa pag yugyog ng paa ni Heski

“Red kinakabahan ako” sagot nito. Kasalukuyan kaming nakaupo nuon sa luob ng aking sasakyan na nakaparada sa tapat ng Home Made Resto na pagmamayari ni Mrs. Respicio.

“Okey lang yan relax” nakangiti kong sabi sa kanya

“Pano kung hindi nya ako magustuhan?”

BE BOYS: (BROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon