CHAPTER THIRTEEN: KEHO

15.5K 297 19
                                    

Pag balik namin ng Manila ay nakumbinsi ko rin si Hesiko na subukang mag apply sa pinagtratrabauhan ko. Naging maayos naman ang pagtratrabaho ni Heski sa amin kahit na alam kong pagsusulat talaga ang number one passion nya.

“AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH” sigaw ni Heski sa rooftop namin sa opisina

“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh” sigaw ko rin na ikinagulat nya

“Anong ginagawa mo rito?”

“Nakita kasi kitang pumunta dito eh”

Huminga lang ito ng malalim sabay bukas sa bote ng coke na hawak hawak nya nuon

“Ano bang problema”

“Wala”

“Anong wala eh lukot na lukot yang mukha mo. Di mo man lang nga ako napansin kanina sa elevator”

Tumingin ito sa akin

“Kasabay kita sa elevator?”

“Exactly!”

“Sorry naman Bez” nahihiya nyang sabi

“So ano ngang problema?”

“Naiinis ako sa kaibigan mo”

“Kanino? Kay Me-an o Kay Keho?”

“Sino ba ang Boss ko?”

“So kay Keho? Bakit ano bang problema”

“Hindi ko sya maintindihan. Para syang may pagka bibolar. Ang hirap hirap nyang intindihin!”

“Gusto mo kausapin ko?”

“Wag na. Red bakit ba kasi hindi ako pwede sa department mo?”

“Kasi nga ayaw mong mag trabaho sa site. Tapos diba ikaw narin nag sabi na gusto mong patunayan ang sarili mo sa lahat para wag nilang sabihin na dahil sa akin kaya ka lang nakapasok dito” mahaba kong litanya sa kanya

“Red di ko na kaya” pagmamaktol nito

Inakbayan ko ito sabay pisil ng kanyang pisngi

“Alam mo ok yun si Keho mabait yun panigurado magkakasundi rin kayo nun”

“Mabait? Ok? Ano pang tawag mo sa akin? Anghel?”

Natawa ako sa expression nya. Kahit na galit na galit na napaka cute parin ng kaibigan ko

“Hay nako yaan mo na. Kaausapin ko sya mamaya. Lika ka mag lunch na tayo” tumayo ako sabay abot ng aking kamay upang patayuin sya sa kanyang pagkakaupo.

BE BOYS: (BROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon