CHAPTER EIGHTEEN: YES OR NO

14.6K 293 58
                                    

Hindi ko alam kung pano ako napunta sa sitwasyong ito, kasalukuyang nakatayo si Heski sa aking harapan at naghihintay ng isasagot ko. Hindi ko alam, ayaw kong magkamali ayaw kong isa sa kanila ay tuluyang mawala sa akin.

Kung pwede lang akong maglaho ngayon ay matagal ko na itong ginawa. Simple lang naman ang tanong nya kung tutuusin mo ngunit hirap na hirap akong sagutin ito.

FLASHBACK

1 MONTH EARLIER

Limang araw pagkatapos ng roadtrip namin ni Heski ay di ko inaasahang darating mula Singapore si Carol. Alam kong mahal ko parin naman siya ngunit hindi ko maipaliwanag kung bakit parang hindi na tulad ng dati.

"Hon kain na" tawag sa akin ni Carol

Narinig ko naman ang kanyang tawag ngunit parang wala ako sa sarili ng mga oras na yun

"Hon"

Nakatayo lang ako sa tapat ng bintana

"Hon ano ba" sabi nito sa akin sabay lapit

"Huh?" sa wakas ay natauhan din ako

"Sabi ko kakain na" malabing nyang sabi

"Ah wala, sige tara" nakangiti kong sabi sa kanya

"Napapansin ko, lately parang wala ka sa sarili?" muling usisa nya

"Huh? Kung ano anong napapansin mo. Ok lang ako"

"Mm sya nga pala anong ginagawa ni Heski sa Cebu?"

"May seminar"

"Ah kelan balik nya?"

"Sa Sabado siguro"

"Hay miss ko na si Heski, nuod tayo ng movie pag dating nya ha"

Tuluyan na naman akong nawala sa aking sarili

"Uy Paul Red Reynoso!"

"Huh"

"Sabi ko nuod tayo ng movie pag dating ni Heski"

"Oo sige"

-------------------------------

"Hon inayos ko na yung susuotin mo sa opisina bukas ah, tapos baka dinner na ako pumunta dito bukas kasi nagpapasama si Mama sa akin sa mall bukas"

Kasalukuyan akong nanunuod ng TV nuon

"Hon narinig mo ba ako?" lapit nya sa akin

Sa totoo lang eh lumilipad ang aking isipan kaiisip kung kamusta si Heski. Kung kumakain ba to ng maayos, kung nakakatulog ba ito. Ewan ko ba ilang raw palang na wala si Heski ay hindi na ako mapakali.

"Huh"

"Paul ano ba?"

"Bakit?" nakangiti kong sabi sa kanya

"May problema ka ba" seryoso nyang tanong

"Wala"

"May kasalanan ka ba sa akin?" muling pag usisa nya

"Wala"

"May – may" hindi nya maituloy tuloy na sabihin

"May ano?"

"May iba ba?" kinakabahan nyang tanong

"Wala!"

"Yung totoo?"

"Wala nga"

"Kahit nuong wala ako, walang iba?" malungkot na tanong nya

"Hon, wala" tumabi ako sa kanya sabay yakap

BE BOYS: (BROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon