CHAPTER TEN: SHOELACE

15.9K 280 61
                                    

“Hon alis na ako” pag gising sa akin ni Carol. Kasalukuyan akong nakahiga sa kanyang kama, tirik na ang araw ngunit namumugto parin ang aking mga mata at sobrang sakit ng ulo ko ng umagang iyon.

“Aalis ka na? Anong oras ka babalik” inaantok ko pang sabi sa kanya

“Depende siguro hon, kung maaga ko matatapos yung mga papers ko baka after lunch eh andito na ako”

“Ah ganoon ba, gusto mo samahan na kita?”

“Wag na hon. Alam mo kung anong gusto kong gawin mo?”

“Ano?”

“Puntahan mo si Heski at mag usap kayo”

Sandali akong natigilan sa sinabi ni Carol. Muling nagbalik sa akin ang lahat ng mga nagyari kagabi. Hindi parin ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa bibig ni Heski.

“Hon okey ka lang?” agaw pansin sa akin ni Carol

Tiningnan ko sya at niyakap

“Ano ba kasing nangyari ha?” Usisa nito sa akin. “Sabi ko naman kasi sayo dapat kinausap mo muna si Heski tugkol sa plano mong double date eh”

Sa totoo lang hindi ko masabi kay Carol ang tunay na dahilan ng pag aaway namin ni Heski.

Matapos umalis ni Carol ay nanatili parin akong nakahiga sa kanyang kama. Iniisip ang mga nangyari kagabi.

FLASHBACK           

“Red masaya ako para sayo maniwala ka. Masaya naman ako para sa inyo eh. Pinipilit ko naman pero - ” mahina nitong sabi     

“Pero ano?” tanong ko sa kanya

“Wala”

“Anong wala!”

“Wala nga!” muling sigaw nito

“Dahil ba mahal mo parin siya?”

Tinitigan nya ako

“Hindi”

“Nag seselos ka dahil mahal mo parin siya diba?”

“Hindi nga”

“Kung hindi eh ano!!” sigaw ko sa kanya

Hindi ito sumagot. Nilagay nya ang mga kamay nya sa kanyang buhok at yumuko ito

“Heski patawad. Patawad kung sa tingin mo ay inagaw ko – ”

“Nagseselos ako...........Oo marahil ay nagseselos ako, nasasaktan ako, nasasaktan ako kasi, kasi  ma - mahal....MAHAL KITA.....Mahal na mahal”

BE BOYS: (BROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon