CHAPTER TWO: SUMMER SCENT

19.2K 355 23
                                    

Lumipas ang mga araw na lagi kaming magkasama. Sabay kami pumapasok sa school, mag recess, mag lunch pati pag uwi sabay parin kami. Hindi ko lubos maiisip na makakatagpo ako ng kaibigang tulad nya. Pag Sabado naman ay lagi siyang nasa bahay kung kayat napalapit na rin ito sa pamilya ko. Pag Sunday sumasama ako sa kanila ng kanyang lola Melia upang magsimba.

Sa mga nagdaang buwan ay mas lalo ko siyang nakilala. Napag alaman ko na hindi pala ito makatulog na walang kulambo sa kanyang paa. Weird diba? Noong una ay naiirita ako sa ganoong habit nya, minsan ay sinubukan kong itago ang kanyang kulambo sapagkat gusto ko sana itong matulog ng normal. Ngunit hindi nag work ang plano ko sapagkat magdamag itong hindi natulog, iyak ng iyak at hinahanap ang kanyang kulambo kaya ayun di nagtagal eh nilabas ko din.

Pag malungkot naman si Heski ay chocolate lang ang katapat nito. Ewan ko ba kung anong meron sa tsokolate at napapasaya sya nito. Lagi nya rin akong binibigyan ng chocolate lalo na pag malungkot ako pero hindi naman nag wowork sa akin. Lumaki akong mahilig sa sports impluwensya ng kuya at daddy ko kaya naman sinikap ko ring turaan siyang maging athletic pero bigo na naman ako. Ayun lampa kasi, kaya pag nakikipaglaro ako ng basketball kasama ng iba kong tropa ay hindi siya nakakasali manunuod na lamang siya at mag drawdrawing ng kung ano - ano.

Naka graduate ako ng elementary na may honors, si Heski naman ay wala sapagkat late na siyang pumasok noon. Tulad ng pinangako ng kanyang ama umuwi ito ng kanyang graduation. Kitang kita ko kung gaano siya kasaya nuon sapagkat malapit na malapit sila sa isat isa. Napagpasyahan din ng aming mga magulang na parehas kaming mag high school sa St. Anthony. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------

“Oh malungkot ka na naman” sita ko sa kanya ng makita ko siya sa harap ng gate nila nakaupo, mag isa at nagmumukmok na naman. Tumabi ako sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat.

“San ka galing?” tanong nito sa akin

“Nag basketball kasama nila Jake”

“Hindi mo man lang ako sinama” matamlay nitong sagot

“Eh diba hindi ka naman mahilig sa basketball” sagot ko.

Hindi na ito sumagot kaya medyo nakonsensya ako. Panandaliang nagkaroon ng katahimik sa paggitan naming dalawa.

“Kaw naman masyado mo akong na mimiss” biro ko sa kanya sabay gulo ng kanyang buhok. Ngunit wala parin itong imik

“Uy! Wag mong sabihin na nagtatampo ka?” tanong ko sa kanya

Umiling lamang ito

“Si daddy aalis na” malungkot niyang sabi

“Kelan?”

“Bukas”

“Babalik naman ulit siya diba?”

“Oo. Pagkatapos ng 3 taon ulit. Wala pa nga siyang isang buwan aalis na naman”

Hindi na ako kumibo. Tumayo ako kinuha ang aking bike at pinasakay siya rito.

“San tayo pupunta?” tanong niya

“Sa tindahan nila Mik – Mik bibili tayo ng chocolate”

“Libre mo?”

Natawa ako sa tanong niya “Oo naman”

“Tatlo?’

“Sampu pa kung gusto mo”

“Yehey! Sabi mo yan ah” sa ganoong paraan lang masaya na ulit ang mokong.

“Ay siya nga pala Heski baka huling sakay mo ngayon sa bike ko ha”

“Huh? Bakit?” Nagtataka nitong tanong

BE BOYS: (BROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon