CHAPTER ONE: RED

37.6K 478 56
                                    

Nag si uwian na lahat ng mga kaibigan ko pero nandito parin ako sa bar umiinom na mag isa. Bakit nga ba ako naglalasing? Kung tutuusin mo maganda naman ang buhay ko. Napangasawa ko ang taong pinakamamahal ko, biniyayaan kami ng isang magandang anak may maayos akong trabaho at namumuhay ako ng marangya.

“Sir? May kailangan pa po ba kayo?” tanong sa akin ng waiter. Tanging iling lamang ang aking naitugon.

Simpleng tanong ngunit di ko masagot. May hinahanap hanap ako pero hindi ko alam kung saan ko dapat hanapin. Oo may kailangan pa ako. Kailangan ko siya. Hindi ako buo pag wala siya sa tabi ko.

“Happy Birthday” bati sabay halik sa akin ng aking asawa na si Carol.

“Hon salamat”

“Hon 27 kana ngayon, sana naman bawasbawasan mo na yang pag inom mo at sana mag mature ka na”

Natawa ako sa sinabing iyon ng aking asawa

“San ka nga pala galing kagabi? Lasing ka na naman nung uwuwi ha”

“Ah nagkayayaan lang ang barkada. Nag palibre tutal birthday ko naman daw” tugon ko.

“Uhmm Kaya pala pinaghintay mo na naman ako kagabi?” halatang may pagtatampo sa boses ni Carol

Bumangon ako sa kama, niyakap siya at hinalikan.

“Sorry na, minsan minsan lang naman eh. Hon naman eh birthday na birthday ko nagtatampo ka sa akin” palambing kong sabi sa kanya.

Humarap siya sa akin at marahang pinisil ang aking ilong sabay sabing

“Pasalamat ka mahal na mahal kita kung – “

“Daddy, Daddy happy birthday” Tumatakbong bati sa akin ng tatlong taong gulang kong anak.

“Ang lambing naman ng baby ko”

“Daddy who is this?” sabay abot ng larawan sa akin. Sandaling napatigil ako, hindi ko alam kung pano niya nakuha ang larawan na iyon.

“That’s you when you’re 2 weeks old” tugon ko

“Eh who is that guy carrying me?”

“That’s you’re ninong. Best friend yan ng daddy mo” sabat ni Carol

“By the way hon, How is he?”

“Ewan ko” ang tanging naisagot ko. Bago pa sila makapagtanong ulit, kinuha ko na ang aking tuwalya at tinungo ko ang banyo upang maligo.

Kasabay ng buhos ng tubig na nagmumula sa shower ay ang walang tigil na agos ng aking mga luha. Muli na naman akong nakaramdam ng kalungkutan.

Tatlong taon na pala ang nakalipas, tatlong taon na ng huli ko siyang Makita. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan.

............................................................................................................

15 years ago

Grade six ako nuong una ko siyang makita. Kasalukuyang nasa 3rd quarter na kami ng pumasok siya sa paaralang pinag-aaralan ko. Sabi sa amin ng aming guro, bagong lipat daw sila sa aming bayan. Sa totoo lang wala akong pakialam nuon, kamamatay lamang kasi ng aking ina dahil sa sakit na cancer.

“Hi everyone my name is Hesiko Aviu Collado” Nakangiti ngunit halatang nahihiyang pagpapakilala nito.

Sa unang araw palang ni Heski sa aming paaralan ay marami ng nagkainterest sa kanya. Mukhang angel ganyan kung ilarawan nila siya. Bagamat pinaguusapan siya, marahil dahil narin sa hiya hindi agad siya nakahanap ng kaibigan.

BE BOYS: (BROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon