CHAPTER TWENTY TWO: I MISS YOU

14.4K 307 51
                                    

“Hon look who’s here!” masayang tawag sa akin ni Carol. Sunday nuon ng umaga at kagagaling lang nila Carol at KC sa grocery store. 

“Ha hi” bati sa akin ni Heski na karga karga nuon si KC na mukhang nakulog na dahil sa pagod

“Hi” nauutal kong bati sa kanya sabay kuha kay KC

“Nagkita kami sa Savers kanina” medyo asiwa nyang sabi. Halatang hindi komportable si Heski nuong mga oras na yun.

“Hay nako ang tagal tagal mong di nagparamdam ha....tsaka may tampo parin ako sayo di ka pumunta nuong wedding namin”

“Ah yun ba sorry ah”

“Sige papatawarin kita basta ba i promise mo sa akin na dito ka na mag lulunch at dinner please????????????????”

“Ah eh....”

“Pls tito” inaantok pang sabi ni KC na kinagulat naming lahat

“Aba eh mukha wala na akong magagawa....Ok lang ba?” tanong nito sa akin

“Oo naman halika libot kita sa bahay” sabi ko sa kanya

“Oh siya akyat ko lang si KC then magluluto na ako ng Lunch natin ok”

“Halika sama ka muna sa amin” sabi ni Heski kay Carol

“Mamaya na I’m sure na miss nyo ang isat isat” nakangiting sabi ni Carol

---------------------------

Sinindihan nya ang isang sigarilyo sabay hithit rito

“Diba sabi mo dati masama yan sa katawan. Nakamamatay”

“Talaga sinabi ko yun?”

Tanging tungo lamang ang naisagot ko

“Oh well, para saan ba at mamatay rin naman tayong lahat. Lets enjoy life hanggat kaya pa” nakangiti nyang sabi

“Pwede bang paki patay na yan baka makita ka pa ng anak ko” inis kong sabi sa kanya. Sa totoo lang eh hindi naman ako natatakot na baka makita siya ni KC kung di dahil ayaw ko lang talaga siyang nakikitang naninigarilyo.

“Okey fine” sabay tapon ng yosi. “Happy?”

“Tara pasok na tayo sa loob” pag iiba ko ng usapan

Habang naglalakad kami ay palinga linga si Heski sa paligid

“Ganda ng bahay nyo” sabi nya

“Salamat”

BE BOYS: (BROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon