CHAPTER TWENTY FIVE: MY BEST FRIEND FOREVER

15.2K 303 74
                                    

Hindi ito totoo

.

..

...

Gisingin nyo ako mula sa bangungunot na ito

.

..

...

Hindi maari to

.

..

...

Bakit sya pa

.

...

....

Nan lalamig ang buo kong katawan na para bang binuhusan ako ng isang baldeng yellow. Naginginig ang tuhod na para bang  konting kibig lang sa akin ay matutumba na ako. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, pero kahit anong iyak at sigaw ko ay hindi na nito maibabalik ang buhay ng aking anak.

Naghahalong galit, lungkot at sakit ang nararamdaman ko habang hinahatid namin si KC sa kanyang huling hantungan.

“Tangina! Bakit sya pa” galit kong sabi

Niyakap ako ng aking tita

“Tangina 3 years old lang yung anak ko tita pero kinuha na sya sa amin” madiin kong sabi

“Alam kong masakit Paul pero sana ay wag kang lamunin ng galit mo. May dahilan ang Diyos kung bakit ito nangyari” pagpapakalma sa akin ni Tita

Habang nakayakap si Tita sa akin ay nakatingin ako kay Carol na sobrang lungkot ng mga oras na iyon. Nakayakap ito sa kanyang ina.

Alam kong wala siyang kasalanan at aksidente ang nangyari ngunit hindi ko magawang hindi magalit sa kanya. Pilitin ko mang wag siyang sisihin ngunit inuunahan ako ng sama ng loob at galit tuwing nakikita ko siya. Pakiramdam ko ay pinabayahan niya ang aming anak.

“Paul puntahan mo si Carol kailangan ka nya ngayon” utos sa akin ni Daddy

Nilapitan ko si Carol ngunit hindi ko siya nagawang yakapin. Panandalian kaming nagkatinginan pagkatapos ay yumakap ito sa akin.

“Hon sorry, sorry” umiiyak nitong sabi sa akin

Gusto kong sabihin na okey lang pero hindi eh. Hindi ok. Gusto kong sabihin na wala siyang kasalanan pero hindi ko magawa. Sinisisi parin siya ng aking isipan.

One week ago ay nagpaalam si Carol sa akin na sasama daw ito sa reunion ng kanyang pamilya nagaganapin sa isang resort sa may Laguna. Sinama nito ang aming anak, ngunit sa araw ding iyon ay nawala si KC sa aming buhay. Naglalaro daw nuon si KC kasama ang iba nyang pinsan ng hindi namalayan nila Carol na lumusong ito sa dagat na dahilan ng kanyang pagkalunod.

“Hon sorry, sorry” paulit ulit na sinasabi ni Carol ang mgakatagang ito sa akin nuon, ngunit para bang wala akong naririnig, wala akong pakialam tuluyan na akong nilamon ng galit at sakit na aking nararamdaman.

----------------------

Pagkatapos ng libing ay pinilit naming ipagpatuloy ang buhay naming mag asawa. Ngunit kahit anong pilit kong ipakita na okey lang ako at walang magbabago sa aming samahan ay sadyang hindi maitatanggi ng sinuman na hindi na kami katulad ng dati.

BE BOYS: (BROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon