Icarus - Nine

8.3K 128 17
                                    

“Daddy, buti natapos agad ang exam n’yo,” sabi sa’kin ng aking anak na si Jan Miguel na s’yang nagmamaneho papunta sa aming destinasyon. “Nagpaiwan na ang Mommy kanina e, hintayin n’ya na lang daw kayo dito.”

“Oo nga po, Daddy,” sunod na sabi naman ni Any, asawa ng nag-iisang anak ko. “E, pumayag na po kami kasi baka mapagod s’ya sa byahe.”

“Lolo, Lola has been waiting for you…” si Johnny naman ang sunod na kumausap sa akin. Ang apo ko. Sadyang kapag nasa loob s’ya ng paaralan ay hindi n’ya ako tinatawag na Lolo.”

Hinayaan nila akong mag-isa na pumunta sa puntod. Naiwan lamang sa sasakyan ang buong mag-anak; hindi naman kami magtatagal rito. Habang palapit ako rito, hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko.

Magkikita na naman nga kami ulit.

“Prof, hindi po kayo nagkatuluyan?” Ngumiti ako sa tanong na iyon.

”Nagsimula akong mahalin ang larawan na iyan nang sabihin n’ya sa’kin noon na pakiramdam n’ya, s’ya si Icarus. Ang kaso nga lang, noong nahulog na s’ya mula sa pagkabigo n’ya sa paglipad palapit sa kanyang araw, nandoon naman ako, ang kanyang ulap, upang saluhin s’ya. And with that, I realized that maybe, I am Icarus too. At kahit na s’ya ang itinuturing kong araw, s’ya rin ang naging aking ulap na sumalo sa akin nang minsang masira ang aking mga pakpak.” Pagkatapos kong sabihin ito ay nagsingitian sila ng pagkalaki-laki.

Sumalubong sa akin ang isang scrapbook na nakapatong sa himlayan ni Papa, at s’yempre, ang nagmamay-ari nito.

“Kanina pa kita hinihintay,” sambit n’ya sa’kin habang nakangiti. Pasko nang huli ko s’yang makita --- nang umuwi sila JM mula sa Canada. Inakit nila ito pabalik doon at ngayon na lamang sila muli bumalik dito sa bansa.

“Jam…” agad kong namutawi.

“Tingnan mo ito,” kinuha n’ya ang scrapbook habang umuupo ako sa tabi n’ya. “Regalo ko sana ito no’ng first wedding anniversary natin. Kaso naisip ko na mas maganda siguro kung babalikan natin ito ng may edad na tayo.”

“Then I’d be glad to recall those memories with you today. I’d just pretend that I am thirty two right now. And you’re thirty one.”

 

 

“1Corinthians13:4-7”, ang title ng scrapbook n’yang ito. Nasa cover ito mismo ng maliit n’yang libro ng mga alaala. Sa tabi nito ay ang rosas na ibinigay ko sa kanya bago ako umalis noon. “Naitabi mo pa ito?” hindi ko napigilang masambit ang katanungang iyon.

 

“Halos kaka-twenty two n’ya pa lamang nang lumipad s’ya palayo sa akin. Lumayo s’ya at iniwan akong walang kaide-ideya kung ano bang dapat kong gawin sa buhay ko. Ang sabi n’ya, kailangan ko daw ng panahon. Panahon para maiayos ang lahat ng mali. Panahon na wala s’ya. Panahon na hindi ko s’ya makakasama. Imposibleng hindi ako nalungkot dahil do’n. Pero ginawa ko ang alam kong gusto n’yang gawin ko upang hindi mawalan ng saysay ang kanyang pagkawala. Katulad ng gusto n’ya, iniayos ko ang lahat. Pati na rin ang sarili ko.”

Sa edad kong bente uno, pabente dos, noon ko natutunan ang isa sa mga importanteng bagay na nalalaman ko sa buhay ko. Mabuti ang marunong tayong mangarap; mas mabuti kung marunong tayong gumawa ng hakbang para sa pangarap na ‘yon. ‘Yon marahil ang realidad. Kailangan mong ipaglaban ang bagay na gusto mo.

IcarusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon