Icarus - Three

6.5K 105 7
                                    

Halos ten thirty na siguro ‘yon nang umalis si Franz. Paakyat pa lang ako ng kwarto ay iniisip ko na agad kung anong oras na naman kaya ako makakatulog. Pinaparusahan ako ng utak ko sa ginagawa nito sa’kin.

“Uy, Jam!” Nagulat ako ng makita ito sa may pinto ng kwarto n’ya. Para bang ako talaga ‘yong hinihintay dahil lumapit agad s’ya sa’kin ng makita n’ya ko.

“Migs, bakit hindi mo sinabi sa’kin?”

Natigilan ako. Hindi n’ya naman siguro kami narinig. Parang bumibilis tibok ng puso ko. Hindi ‘yan, relax, Miguel, pagkokondisyon ko sa sarili ko. Kung narinig n’ya kayo, hindi n’ya na ‘ko kakausapin. Kasi umiiyak na s’ya dapat sa kwarto n’ya ngayon.

Tama nga si Jam, ang OA ko parati. “A-ang alin?”

“Siguro kaya sinasabi mong hindi kita nagising kanina kasi hindi ka pa natutulog no’ng kumatok ako ‘no? Sinabi na sa’kin ni Nay Mira kanina. Umaga ka na daw lagi natutulog. Ano ka, nagpa-practice mamatay? Kung magkasakit ka?” Napangiti naman ako imbis na sumagot. Parang umiinit bigla ‘yong magkabila kong pisngi. Gustong-gusto ko talaga kapag nag-aalala s’ya para sa’kin. Mas sanay kami na ako ‘yong ganito sa kanya kaya ‘pag s’ya ang ganito sa’kin, parang natutuwa talaga ‘ko. “Kung natulog ka na lang sana kanina…ikaw talaga.” Napatigil s’ya sa pagsasalita at nakatingin lang sa’kin. “Huy! Bakit ka nakangiti? Parang ewan ‘to. Hindi mo naman ako pinapakinggan e!”

“Ang cute cute cute mo!” kurot-kurot ko ang dalawa n’yang pisngi.

“A-aray, Migs, ano ba?” sabay hampas nito ng mahina sa balikat ko.

“Okay lang ako, okay? Nakatulog lang ako, ‘di naman ako hinimatay no.”Tatawa-tawa pa ‘ko. “Hindi mo kailangang ma-guilty. ’Wag ka ng mag-alala.” Nag-make-face pa ako na kunwari ay nagugulat na may halong nata-touch. “I didn’t know you care for me that much.” Tatawa-tawa pa rin ako dahil sa aking acting. Pero hindi man lang s’ya tumawa bagkus ay nakatingin lang sa’kin. Natigilan ulit tuloy ako.

“Of course, I do,” sabay talikod at tumakbo na sa kwarto n’ya. Nasobrahan ata ako sa pangungulit.

Parang sampung segundo siguro ‘yon na nakatayo lang ako kung sa’n n’ya ko iniwan nang bigla akong nahimasmasan at naisipang puntahan s’ya sa kwarto n’ya. Masama ‘to.

“Janella? Janella. Uy, buksan mo ‘tong pinto. Niloloko lang naman kita para ‘di ka na mag-alala. Huy.” Katok ako ng katok habang nagsasalita. “Janella.”

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi n’ya ‘ko pagbubuksan kahit anong mangyari dahil galit s’ya sa’kin. Umalis na lang ako at pumasok na sa kwarto ko. May tamang oras kasi para sa biruan. Tanda ko na ‘di ko pa ba alam ‘yon?

Quote:

Janella, sorry talaga..

Hindi n’ya ‘ko nireplyan.

“I’m really sorry.. Please, bati na tayo. Good night. :(“

Itinext ko pa rin s’ya bago ko sinubukang matulog. Para hindi s’ya magalit lalo, kahit alam kong malabo, pinilit kong matulog ng maaga. Alas dos na ‘yon nang magtagumpay ako. Kahit papaano, mas maaga ‘yon kaysa alas sinco. Napakamakapangyarihan talaga ng pag-ibig, napatulog ako ng maaga. Ang sama sa pakiramdam ng ganito.

Kinaumagahan, alangan akong pumunta ng dining dahil alam kong nando’n si Jam. Dati, kapag nagkakasagutan kami parang ayos lang ako kasi alam ko namang nagkakaganon lang s’ya dahil kay Hiro. Pero ngayon, away talaga namin ‘to. Iba ‘to.

IcarusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon