Icarus - Six

6.2K 107 10
                                    

March 24

Dear Hiro,

Wait, it has been five days? Medyo naging busy ako nitong nakaraang araw. Putol pala ‘yong huling entry ko dahil nakatulugan ko ‘yon no’ng sinusulat ko no’ng gabi tapos ‘di na nasundan. Ngayon na lang.

Hmm.. Ayon, pagkatapos kong marinig kay Hero ‘yon, iisa lang naman ang posibleng maging reaksyon ko: magulat. Playful fate is doing its job. Haaaay.

Napansin ni Sister Marie na bigla akong naging tahimik. Pagkasabi kasing sabihin ‘yon ni Hero, kunwari’y nag-akit na lang ako papasok para malipat naman ang atensyon ko kahit papano. Tinanong ako ni n’ya ko kung ano daw bang napag-usapan namin at bigla daw akong nagkaganon. Nakita n’ya pala kami no’ng nasa labas kami. Sinabi ko rin naman sa kanya.

Noong nasa bahay na ako, nakita ko na lang ang isang pamilyar na memo pad na nasa loob bag ko. Ito ‘yong laman:

"Jam, what if it's not time that you need for you to be healed? What if it's your own will to be okay will help you be okay? Sa palagay mo? Isn't being happy or free sometimes a choice? Let go of him and his memories. Set yourself free. I’m always here for you. –Sister Marie"

Nagulat ako sa message na iniwan ni Sister para sa akin. Ang ibigsabihin ba no’n, kung pipiliin kong tanggapin na tapos na nga ito, magiging okay na ‘ko? Na kahit gano pa katagal na panahon ang lumipas, kung ‘di ko gugustuhin kalimutan ‘to hindi talaga’ ko magiging okay?

Fine!

Ayokong maging okay. :(

"Miguel! Miguel!"

Saktong tapos ko sa pagbabasa ay narinig ko ang tila ba'y alalang-alala na si Papa. Parang bigla akong kinabahan. Si Jam lang ang nag-iisang pumasok agad sa isip ko. Bakit nga ba hindi pa s’ya nakakauwi?

“Miguel!” Lalo nang bumilis ang ibok ng puso ko.

Ibinalik ko na ‘yong planner ni Jam sa lagayan nito at dali-daling lumabas ng kwarto n’ya. Pababa na si Papa ng hagdan ng makita ko s’ya. Sa kwarto ko s’ya naghahanap siguro kanina.

"P-pa? Bakit po?"

"Miguel! Si Madison!" And then all my nerves started shaking.

"W-why? W-what happened?" Namuo ata bigla ang mga pawis ko at ‘yong puso ko, parang kakawala na mula sa kinalalagyan nito.

"Kung bakit ba naman hindi ko namalayan no’ng natawag s’ya. At bakit ba naman ngayon lang dumating ‘tong text n’ya; kanina pa pala ‘to. On the way home na daw s’ya nang biglang nasira na naman ang sasakyan n’ya. Doon pa sa madilim na lugar inabutan. Akala ko ba ba napaayos na ‘yon? That's why I don’t want her driving alone lalo na ‘pag gabi na! ‘Di ka ba tinext? Bakit di mo alam?"

"P-pa, calm down.. Sigurado ‘kong okay lang po s’ya.” Sana.  “Tsaka...’di ko po namalayan kung nag-text s’ya." Agad kong kinapa ang cellphone ko. Wala ngang text mula sa kanya.

Nang palabas na kami ng bahay, nasa may pinto si Kuya Bart na halatang nag-aalala rin. Bakit ‘di man lang n’ya ’ko tinawagan?

"Bart, ‘di ba bilin ko na regular mong i-check yong kotse ni Jam, nasiraan na naman!" Walang tigil sa pagsasalita si Papa. "If something bad happens to her---"

"Carlos! Carlos! Andyan na si Jam!" Halos manakbo si Nay Mira palapit samin para maibalita ito.

Lahat kami ay tumungo na sa labas ng gate para puntahan s’ya. D'yos ko po salamat.

IcarusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon