Icarus - Two

8.7K 117 10
                                    

Isang Huwebes ng umaga, saktong baba ko ay naabutan ko si Jam na iniaabot kay Nay Mira ang susi ng kotse n’ya. “Magko-commute na lang po ako,” sabi n’ya rito.

“O, Janella? Bakit iiwan mo kotse mo?” tanong ko sa kanya.

“Ah, Migs, good morning, sira kasi e.”

“Good morning. Ganon? Hatid na kita tapos---“

“Wala kang duty?”

“Mamaya pa. Halika na, paayos ko ‘yon pagbalik.”

“Sure ka? Sige, tara. Salamat.”

Late na pala s’ya kaya hindi na nag-insist na ‘wag ko na lang s’yang ihatid. Nagpuyat kaya ulit s’ya kagabi dahil nami-miss n’ya si Hiro? Nang palapit na kami sa gate ng campus nila ay napakunot ang noo ko dahil sa isang pamilyar na kotse. Sigurado ako. Kotse ni Hero ‘yon.

“Alam ba ni Hero ang schedule mo?”

“Ha? Pano naman n’ya malalaman?”

“Ayan e,” itinuro ko pa si Hero sa kanya. Tiningnan n’ya ito pagkatapos ay bumaling ulit sa’kin.

“E ano?”

“Pupusta ako, ikaw ang pakay n’yan.”

“Ikaw talaga, una na ‘ko.” Bumaba ako ng sasakyan para mapagbuksan s’ya ng pinto. “Ingat ka Migs, ha. Salamat ng marami,” at binigyan n’ya ko ng halik sa pisngi, as usual.

“Wala ‘yon, ingat ka rin. Ako na bahala sa kotse mo.”

Papasok na noon si Jam sa gate nang nakita kong yumuko si Hero para matingnan ang cellphone n’ya, pagkatapos ay parang may sinilip sa loob ng sasakyan n’ya. Ayos. At least nakapasok si Jam na hindi n’ya nakita.

Quote:

Janella, may mga gamit ka ba sa kotse mo? Itatawag ko na kay Nay Mira para diretso na ko sa talyer.

“Wala na Migs. Salamat talaga! :))”

Gumana pa naman ‘yong kotse ni Jam no’ng sinubukan ko pag-uwi. Ganunpaman ay nag-drive na rin ako papunta sa pinakamalapit na talyer para mapaayos na ito. Wala kasi si Kuya Bart, driver sa amin, mula pa kahapon kaya wala akong napakisuyuan.

Nang paalis na ako roon ay biglang tinawag ako ng isa sa mga mekaniko doon. “Sir! May naiwan pong gamit sa loob,” abot-abot n’ya sa akin ang isang maliit na navy blue na planner. Hindi kay Jam ito dahil ang alam ko, itim ang sa kanya. Ata. ‘Di na rin ako sigurado.

“Salamat. Ah, sa’n n’yo nakuha?”

“Sa may ilalim po ng upuan.” Siguro ay nahulog mula sa bag ng kung sino man sa mga kaibigan n’ya.

Nag-commute ako pabalik sa bahay. Pauwi, hawak-hawak ko lang talaga itong maliit na planner na ito. Alam kong hindi ito kay Jam, pero hindi ko maintindihan kung bakit parang may nag-uudyok sa akin na basahin ang laman nito. Noong una ay napaglalabanan ko pa ang naiisip kong ‘yon, pero noong halfway na ako sa bahay ay bumigay rin ako.

Tinitigan ko muna saglit ang asul na notebook na ito, pagkatapos ay binuklat na sa una nitong pahina pagkatapos lampasan ang kalendaryong may ‘di pangkaraniwang marka sa ilang petsa, ‘hindi ko na lamang muna pinansin. Ganoon naman talaga ang typical na itsura ng isang planner, may kalendaryo sa unahan. “Janella,” nakasulat sa lower-right corner ng unang pahina ng notebook. Napakunot ang noo ko. Kay Jam pala ito? At automatic na inilipat na ng kamay ko ang sumunod na pahina. At ang unang nabasa ko:

IcarusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon