Icarus - Five

6.8K 104 11
                                    

"Migs, five weeks na lang pala gagaraduate na ‘ko!" Magkasama kami ni Jam sa secret garden nila sa school n’ya. Parang kahapon lang nandito rin ako para sa school play nila. Ang galing na leader ni Jam, naging successful ang pinagkaabalahan n’ya.

"Excited na excited ka ata ah. Mas excited ako."

"Aba, nakikihati ka pa ng saya ha."

"Aba, syempre! Proud ata ko sa’yo."

"Sus! Mukha mo. Hihirit ka lang ng libre e."

"Ang sama..  Pero tama ka don."

"Sabi na e --- oh." Natigilan s’ya nang tumunog ang cellphone n’ya.

"Oh? Sinong natawag?"

"Si Sister. Wait lang ha."

May mga bumisita daw sa Palace kaya sinabihan ni Sister si Jam. Narinig kong sinabi nito na dadaan naman s’ya doon pagkatapos ng klase.

"Sayang di kita masasamahan."

"Ayos lang yon, Migs. Thank you na lang."

"Pa’no una na ‘ko? Bukas na ng umaga ang uwi ko. Hmmm…pakitext naman ako, please, kapag---"

"Yep!" sabay kunwariy sumaludo pa sya sakin. "I'll text you ‘pag paalis na ‘ko dito, ‘pagkadating ko do’n, ‘pag pauwi na ‘ko at pagkauwi ko," kasunod nito at ang cute na cute n’yang paghalakhak.

"Very good girl," kinurot ko pa ang pisngi nya. "Take care, okay?"

"Aye aye, captain Migs!"

Nang sumunod na araw, Sabado, katulad ng sinabi ko kay Jam ay umaga na nga ako nakauwi. Medyo malayo kasi ‘yong lugar na pinagdausan ng kasal ng isang kaibigan ko kaya ganon. Alas nueve na siguro nang makauwi ako. Nadatnan ko naman si Jam sa bahay.

Magpi-prefinals na pala sila. Sobrang busy sa pagre-review ang mahal naming prinsesa. Nakapagkwentuhan kami no’ng oras na para magtanghalian. Nagalit pa sa’kin kasi hindi ko daw s’ya kinatok no’ng dumating na ako. Ayoko lang naman na maabala s’ya.

Isinabay namin ang pagkekwentuhan pagkakain sa panonood ng pelikula sa kwarto ko. Imbis na sa sofa ay sa sahig kami nakaupo at sinandalan na lamang namin ito. Marami kaming napagkwentuhan. ‘Yong kasal na pinuntahan ko. ‘Yong mga bumisita sa Palace at syempre sino pa ba? Nagulat pa ako kasi s’ya pa mismo ‘yong nagbukas ng usapan tungkol sa kanya.

"Narinig ko kahapon si Hero at ‘yong friend n’ya na nag-uusap." Umiinom ako ng juice no’n at napalingon agad ako sa kanya unang narinig ko pa lang ang pangalan ni Hero.

"'Ba, napapadalas ata s’ya sa Palace? Tungkol ba sa’yo?"

"Ah, oo. Hmm, actually ngayon na nga lang s’ya ulit nakadalaw e. Kasi ‘di ba graduating din s’ya? So ‘yon."

"Teka lang. So mas matanda ka sa kanya? Kasi kung 5th year ka na tapos, four years lang ang Nursing ah?"

"Kaedad ko s’ya, Migs. Parang tumigil ata s’ya no’ng third year kasi nagkasakit s’ya e. Medyo may problema pala ang puso n’ya."

"Oh?! Pero di naman malala?"

"Nadala daw sa gamot."

"I see.. Ano pa lang pinag-uusapan nila?"

"Ay, ‘yon? Ah, sabi n’ya sa friend n’ya hindi daw s’ya convinced na may boyfriend ako.  Feeling n’ya daw wala. Nabanggit kasi ni Tina.  Tinanong n’ya kasi ako kung bigay daw ba ni Dad si Ms. Princess tapos ‘yon. Biglang sumulpot si Tina."

IcarusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon