Icarus - Six

5.9K 111 11
                                    

March 26

Dear Hiro,

Yesterday seems like a flashback..a replay..a rewind..a return back in time. Yesterday was crazy! Three crazy stuff happened. At kung hindi ko ‘to masusulat baka sumabog na ‘ko nararamdaman ko.

Hiro, si Migs… :’(((((

 

First, nawala ‘yong relong ibinigay mo sa akin noon. Sorry talaga! Baka bumigay ‘yong strap no’ng nasa mall kami. Three years na rin nong isinuot mo sa’kin ‘yon. Never naman akong naging burara sa mga gamit ko lalo na pag importante sa’kin pero bakit parang nananadya naman ang pagkakataon? Suot ko ‘yon no’ng nagsimba ako e. Kahit no’ng pumunta kami sa mall nila Reema at Aira. 3pm na ata ‘yon no’ng napansin ko na wala na pala ‘yon. Hirap na hirap sila na patahanin ako mula no’ng nalaman ko.. Bakit ba ‘ko iniiwan ng mga binigay mo? Sorry talaga! :((( Mas malaki ‘yong chance na hindi ko na ‘yon mahahanap ulit ‘di katulad ni Ms.Princess. And speaking of her...hindi ko pa nga rin pala s’ya nakikita. Haaay. Ang daya.. Nakakainis.

Pagkagaling namin ng mall, dumiretso na ako sa Palace habang ‘yong dalwa naman ay umuwi na. Mga 4pm na ata ‘yon no’ng dumating ako do’n.

Pagpatak ng 6pm, nandon pa rin ako at namamahinga sa garden nang biglang nakaramdam ako ng pagod. Medyo masakit na rin ang mga mata ko gawa siguro ng pag-iyak ko. Ang alam ko nakaidlip ako e..pero saglit lang. Twenty minutes siguro. ‘Di rin naman ganon kakomportable ang pagkakayuko ko sa isang mesa roon.

Pag-angat ko ng ulo ko, nakita ko si Hero. Nakapikit din. Pagod din siguro s’ya dahil ang alam ko huling araw ng duty n’ya sa isang hospital. Pero nagawa n’ya pa ring bumisita. Si Hero talaga...

“Tina!!!” sigaw ni Ate Wena. Naghahabulan na naman ang mag-ina. Dahil sa lakas ng sigaw n’ya, nagising si Hero. Parang mas lalo ata s’yang nagising no’ng nakita n’yang gising na rin ako.

“Uy, Janella! Gising ka na pala. Nakatulog na rin pala ko kanina..”

Nginitian ko na lamang s’ya. “Hapon na pala." Tumayo na ako sa kinauupuan ko dahil magpapaalam na sana ko sa mga bata at kila Sister.

“Ay, Janella, uuwi ka na ba? Anong oras na ba?”

“Oo e.” Tumingin ako sa kaliwang kamay ko para sana tingnan ang oras. “Ay,” nasambit ko. Napabuntong hininga na lang ako. Nawawala nga pala ‘yong relo ko.

“Oh?” Lumapit s’ya sa akin.. “Anong nangyari?”

“Nawala kanina e.”

“Iniyakan mo ‘yon? Napakaiyakin mo pala talaga no?”

“Ha? Ah..matagal na rin kasi sa’kin ‘yon.”

“Halatang halata tuloy sa mga mata mo.”

Ngumiti na lamang ulit ako. “Sige, magpapaalam na ‘ko sa kanila, Hero.”

“Ah, teka lang,” sabay hawak n’ya sa kaliwang kamay ko. “Palitan natin.” Pinilit kong hilahin ang kamay ko. Parang biglang bumilis din ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa pwede kong marinig.

March 06 three years ago seems to be replaying. Halos katulad ng eksenang to: sa garden, tapos nakaidlip ako, tapos paggising ko nandyan na s’ya, tapos itong wristwatch. Parang umuulit lang!

"Pinapili ko ‘yan kay Mommy para sigurado akong magugustuhan mo. Nakekwento na rin kasi kita sa kanya. Sana magustuhan mo. S’ya nga rin pala ang nagsabing ganito ang ibigay ko sa’yo. Simbolo daw kasi ‘to na oras oras, naiisip ka ng nagbigay nito sa’yo. Na mahalaga ka sa taong ‘yon."

IcarusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon