Icarus - Four

7.5K 116 14
                                    

Naging abala ang mga sumunod na araw para sa’kin dahil sa nalalapit na camp na noon pa nakaplanong ganapin. Sa isang malapit na resort lang namin ito idadaos. Binanggit ko ito kay Jam sa gabi bago ang araw na ‘yon pero dahil busy pa rin s’ya sa school, sinabi n’yang baka tanghali na s’ya makaalis doon. Hindi s’ya participant ng camp, hindi rin organizer. Pupunta lang s’ya kasi gawa ko; pinipilit ko kasi s’ya.

               

March 03, araw ng Youth Camp.

Naging maayos ang simula ng programa namin. Masaya. Active ang lahat ng nandito. Nang nakapuslit ako ng pagkakataon ay itinext ko si Jam.

10:10am

Quote:

Janellanellawan, pakitext ako kapag papunta ka na ha? Anong oras ba? :D

 

“Migsybitsy! :D ‘Di ako sure, pero sige, I will.”

“Haha. Magto-talk si Papa. You should not miss that.”

“Weh? Bakit ‘di ko alam, sini-secret n’yo ha. Halala! Anong oras? Dapat marinig ko ‘yooon!”

“Kaya agahan mo. Ha? Haha. ‘Di rin ako sure, baka after lunch.”

“Aye aye! See you! :)”

Nakapananghalian na kami rito; nakarating na rin si Papa pero si Jam wala pa rin. Nang mga alas dos na ng hapon, oras na ni Papa para mag-share ng inspirational talk sa mga participants.

“Wala pa, Miguel?” tanong n’ya sa’kin bago tuluyang pumunta sa harapan ng kanyang tagapakinig.

“Wala pa po e.”

Nag-abang na lamang ako sa may pinto ng hall kung saan kami nagtitipon-tipon. Inaabangan ko ang pagdating ni Jam.

“Good afternoon mga bagets,” casual na panimula ni Papa. Lilinga-linga naman ako sa paligid. Nasan na si Jam? Nagbanggit muna ng maikling panalangin si Papa pagkatapos ay sinimulan ang kanyang talk. Nang mga oras na ‘yon, kahit isang text man lang mula kay Jam, wala talaga.

“Mga bagets, may ikekwento ako… Third year high school ako nang ma-in love ako sa kauna-unahang pagkakataon. Mula noon, walang araw na hindi ako naniwala na ako ay para sa babaeng ‘yon, at s’ya ay para sa’kin. First year college kami nang sinagot n’ya ‘ko matapos ang panliligaw ko sa kanya ng isang taon. Tuwang-tuwa ako no’n! First love ko, first girlfriend ko din. Katulad n’yo at ng kahit na sino, nangako kami ng habangbuhay na pagmamahalan. Kung ba ga sa lenggwahe n’yo, nangako kami ng ‘forever’ sa isa’t isa. Sa kasamaang palad, mahigit isang taon ang nakalipas nang nalaman kong pag-aaralin na s’ya sa ibang bansa ng kanyang magulang. Hindi man namin gusto ay pinaghiwalay kami ng mga magulang n’ya dahil baka maging sagabal lang daw ako sa anak nila. Mahirap din daw na magkalayo kami. Ang sabi ko sa kanya, pilitin namin. Pero ang sabi n’ya, itigil na daw namin.

Of course, I was disheartened. Who would not be, hindi ba? Pero hindi ko ginamit na dahilan ‘yon para kalimutang may buhay pa sa labas ng mundo ng pag-ibig. Ang sabi ko, siguro naman ay makakapaghintay ‘yon. So I focused on my studies; pursued my dreams and most importantly, I tried my best to get over the pain. All the while, my friend Carmen --- my second girlfriend; my last and great love; my soulmate; my late wife was there helping me. She was my almost best friend, my study buddy, my angel. She’s an angel that helped me overcome the pain. An angel that taught me how to love again.

Alam ko na sa mga oras na ito, meron kayong pinoproblema. School, grades, strict professors. Family? Marcos-like parents?” nagsitawanan ang tagapakinig ni Papa. “Evil sisters and brothers? Friends, unreal friends. At syempre, mawawala ba naman sa listahan: lovelife.”

IcarusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon