Icarus - Two

8K 124 17
                                    

 Martes.

Dumating na ang araw na hindi puno ng kasiguraduhan. Sinabihan ko naman s’ya kagabi pero tinawanan n’ya lang ako. Hindi na kami nagkaabot kanina dahil maaga akong umaalis. Kaya hindi ko rin alam ang mood n’ya ngayon; sasama kaya s’ya sa’kin? Kung ibabase ko kasi sa kalendaryo ng buhay n’ya, malabo masyado. Pero kung sa pananalig at paniniwala ko lang din naman ay oo! Oo, sasama s’ya, naniniwala ako!

Quote:

Janella Madison Realandre Cruz, I’m dead serious. We’ll go out later, okay? No ifs or buts! Sunduin kita pagkatapos ng duty ko. Happy Valentine’s! Seeyah. :)

“Yabang ha?!”

“That’s an order. :)”

“Obvious nga. Pero bahala ka d’yan. Che.”

“Ay, sungit oh. :(”

“Oy Migs, arte mo. :D”

“Haha. So… labas tayo, please?”

“I can’t…”

“Why? Please?”

“I’m sorry…”

“:’((“

Parang nanlambot ako bigla. Siguro nga ayaw n’ya lang talagang lumabas ngayong araw na ‘to. Kahit para na lang sa’kin? Alam naman n’ya na never akong nagkaron ng ibang ka-Valentine bukod kay Mommy kundi s’ya. Daya.

Buong umaga sa trabaho, napuno ‘yong inbox ko ng Happy Valentine’s Day kind of message. Hindi naman ako happy e. Anyway, I still have the rest of the day para kumbinsihin s’ya. Pero ang mas nakakaasar pa, I had another text no’ng lunch break.

Quote:

Happy hearts’ day Migs. :))

How could she?!

“Pang-asar ka lang e, no?”

“:p”

“Naughty Janella... Tsk.”

Asar na asar ako! Halos magsalubong na talaga ‘yong dalawang kilay ko sa inis. Wala nga ata akong nangitian kahit isa man lang na pasyente ngayong araw.

Time check: 2:11pm

Quote:

Pauwi ka na? Susunduin kita. Labas kasi tayo. :(

Dahil alas dos ang oras na uwian n’ya ngayon. ‘Yon din ang tapos ng duty ko.

“Hindi pa. May pupuntahan pa ‘ko.”

“Saan? :(“

“Stop using those sad faces! Smile like this :)”

“Ikaw kasi e. Ngayon lalabas ka, tas sakin… wala, ang daya.”

“Bakit ba?”

“Ms. Sungit!”

“Ah ganon ha? E pa’no kasi ‘ko uuwi kung sinabi mo sa’kin kanina na susunduin mo ko? So sa’n kaya ‘yong pupuntahan ko? Bahala ka nga. Uwi na talaga ‘ko. :((”

Parang nanglaki bigla ‘yong mga mata ko no’ng nabasa ko ‘yon pagkatapos ay tuluyan ng napangiti. Kaya tinawagan ko na lang s’ya para mas maging malinaw ang usapan.

IcarusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon