Extra #3: McLaren Lane

155K 3.9K 295
                                    

LANE BROTHER'S STORIES

Title:
EL SECRETO SERIES BOOK 1: BURIED MEMORIES - McLaren Lane (Complete)
EL SECRETO SERIES BOOK 2: Mazda Lane (Soon)
EL SECRETO SERIES BOOK 3: Corvette Lane (Soon)

***

"MAY bago kang mission." Nakaupo sya sa katapat na upuan ng daddy nya. Seryoso ang mukha nito kagaya ng mga aura ng dalawa nyang kuya. Siguro ay sya lang talaga ang nagmana ng magaan na aura sa mommy nya. Ayos lang iyon basta ang mahalaga ay madami ang naglalaway sa kanyang mga babae. "Seryoso 'to McLaren huwag mong gawin biro ang trabaho mo." Paalala pa nito.

"Dad naman kayang-kaya ko 'yan." Pagmamayabang nya pa na hindi naman nito pinansin. Mahigpit ang ama pero alam nya na mahal na mahal sya nito kahit sya pa ang pinaka pasaway sa lahat ng tao sa mundo ay hindi mababawasan ang pagmamahal ng magulang nya sa kanya at kahit magkaron sya ng sandamakmak na babae ay siguradong mamahalin pa din sya ng mga ito. "Ano po ba ang mission ko?"

Kinuha nito ang isang red folder sa drawer ng lamesa at ibinigay sa kanya na agad nya naman binuksan para lamang salubungin ang mga mata nya ng iba't-ibang kuha ng larawan ng isang magandang babae.

"Baka ma-inlove na naman sakin 'to dad alam mo naman na ang lakas-lakas ng karisma ko sa mga babae." Mayabang sya, iyon ang madalas na naririnig nya sa mga tao sa paligid nya.

Eh, ano ba magagawa nya kung malakas talaga sya sa babae? Mas madami pa nga syang naging girlfriends compare to his brothers, or baka naman magaling lang magtago ng babae ang mga kuya nya. Mataman lang sya nitong tinignan. Mahaba ang pisi ng daddy nya at sanay na ito sa kanya kaya alam nyang hindi ito naiinis. "Sayo ko namana ang pagiging magandang lalaki dad kaya huwag mo po ako tignan ng ganyan na para bang kasalanan ko pa ang maging gwapo."

"Puro ka talaga kalokohan. Next week mo pa uumpisahan ang mission na 'yan maaga ko lang sinabi para makapaghanda ka." Tumango-tango sya habang busy ang mata nya sa pagkilatis ng mga larawan na hawak nya. "Nakakuha na ba ng bagong bodyguard si Aeon?" Tanong nito.

Oo nga pala sya kasi ang kinuhang bodyguard ng pinsan nyang Mayor sa City nila. Kaya lang hindi sya 'yung tipo ng bodyguard na panay sunod dahil madami din bodyguard na nakapalibot kay Aeon, kumbaga sya lang ang nagmamasid sa buong paligid and besides hindi sya nagsusuot ng damit pang bodyguard, nagpapanggap syang isa sa mga 'staff' ng pinsan nya para hindi halata though minsan may mga katanungan kung bakit doon sya nagtatrabaho samantalang mayaman ang pamilya nya. Ang tanging sagot nya lang ay gusto nya din magsilbi sa mga tao which is 50% true.

"Nakakuha na dad kaya anytime pwede na 'kong umalis isa pa nabibingi na ako sa kaingayan ng photographer nya." Tumaas lang ang dalawang kilay ng daddy nya na para bang sinasabing maingay din naman sya pero iba pa din talaga ang ingay kapag babae eh.

Ang gusto nya lang marinig na ingay ng mga girls ay mga ungol ng mga ito pero hindi 'yung ingay na sobrang daldal. Kahit papano pala ay may pagkakapareho silang magkakapatid, ayaw nila sa madadaldal na babae and Aeon their cousin ay ayaw din. Mabilis sila marindi.

"Dad?"

"Yes?"

"Ayaw mo din sa maingay na babae di ba?"

"Yes but your mom is the only exception." Sumimsim ito ng kape. May pagkamaingay nga pala ang mommy nyang maganda pa din hanggang ngayon. "Why are you asking?"

"Ayoko din ng maingay gusto ko tahimik lang."

"Kailan mo pa nagustuhan ang mga boring na babae, anak?"

"Simula ng makita ko sya." Itinaas nya ang larawan na hawak nya. "She looks so sad, iba-iba nga ang anggulo pero pare-pareho lang ang nababasa kong emosyon sa mukha nya.. Sadness."

The Imperious BodyguardWhere stories live. Discover now