4 ~ Date

229K 6.4K 324
                                    

CHAPTER FOUR

MAAGANG bumangon si Valerie at naligo para makapag-gym. Hindi siya papasok sa trabaho ngayon dahil may pupuntahan siyang party mamayang gabi. Gusto niya kasi kapag nagpunta siya doon ay fresh siya at hindi mukhang stress.

Her smile escaped her lips when she saw that there was not other people inside the Gym, but her. Ibig sabihin solo niya ang buong lugar. Puwede siyang sumayaw o kumanta anytime, walang istorbo at walang magrereklamo.

Inayos niya muna ang suot na black na sports bra at leggings na hanggang ibaba lang ng tuhod, she matched it with her neon sneakers.

Ilang minuto pa lang siyang nagpapapawis nang bumukas ang pintuan ng Gym. Tinignan niya mula sa malaking salamin ang lalaking pumasok.

Carlie is sporting a black sando, revealing his triceps. Natutukso siyang hawakan ang matigas na muscles na 'yon. He paired his sando with grey sweat pants. Kakapasok lang nito pero pinagpapawisan na. Parang kagagaling lang sa pagjojogging.

"What are you doing here? Day off mo, di ba?" Tanong niya ngunti sinulyapan lang siya ni Carlie. "Gusto mo lang yata akong makita kaya kahit day off mo ay pumapasok ka."

"Sino bang nagsabi sa 'yo na may day off ako?"

"Si daddy,"

"Liar,"

Fine, wala naman talagang nagsabi sa kanya kung may day off ba si Carlie o wala. May sarili na nga itong kuwarto sa mansyon nila at kung umasta ito ay parang doon na rin talaganakatira. At home na at home, kung baga.

"May pupuntahan akong party mamayang gabi, Carlie. Puwede bang ikaw na lang ang maging date ko? Hindi kasi puwede si kuya Yvo."

"Sure, but in one condition," He stopped doing his sit-ups.

"Deal. What's your condition?"

Carlie motioned her to come closer to him.

Kaya tuloy naglakad siya palapit dito at bahagyang dumukwang dahil mukhang importante ang pakikipag-deal nito at silang dalawa lang dapat ang makaalam.

Agad na tumama ang mainit na hangin na nagmumula rito nang mag-umpisa na itong bumulong sa kanya, pero hindi niya pinansin ang kiliti na dulot n'yon, bagkos nakikinig lang siya sa sinsabi ng bodyguard niya.

Lumayo siya kay Carlie nang malaman ang nais nitong gawin nila, pero hinawakan lang nito ang magkabilang bewang niya dahilan para mapaupo siya sa matigas nitong tiyan!

"Ay! Ano ba 'yan, Carlie. 'yung ano mo ang tigas." Tukoy niya sa tiyan nito.

"Ano ang matigas?"

Nag-init ang magkabila niyang pisngi sa tanong na iyon. Hindi siya pervert pero... baka ibang matigas ang naupuan niya

Mabilis siyang tumayo at ngumiti dito ng pilit.

"'Yung tiyan mo ang tigas." Mahina pa siyang tumawa. "Naupuan ko 'yung mga pandesal mo. Puwede patingin?"

Akmang itataas niya na ang sando ni Carlie pero pigilan nito ang kamay niya.

"Bakit? Titignan ko lang naman at hindi hahawakan. Ang damot mo naman pala." Ngumuso siya.

"Pinagnasaan mo na nga ang katawan ko, tapos ngayon gusto mo pang hawakan? Hindi makakalusot sa 'kin 'yang style mong bulok, Valerie."

Akala ko kasi makakalusot ako.

"Ang dami mong sinabi hindi ko naman pinagnanasaan 'yang katawan mo." Tanggi niya pero ang totoo pinagnanasaan niya talaga.

Sigurado siya na hindi lang siya ang nahuhumaling sa mga pandesal ni Carlie baka nga may mas malala pa sa kanya.

The Imperious BodyguardWhere stories live. Discover now