27 ~ Brent Lane

162K 4.6K 62
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN

CARLIE is pissed and at the same time furious when he discovered that Gabby was the one who tried to kill Valerie before. He did not trust that man even since. He can sense that he's an enemy and he was damn right.

Paano ba nakakayanan ng tao ang pumatay?

Paano ba nakakayanan ng mga tao ang kumitil ng buhay?

He can't stomach those people who can kill without even flinching. Abot langit ang galit niya sa mga mamamatay tao.

Carlie took a sip of his whisky. He can't remember when was the last time he visit a Bar, but he needs it right now to calm himself and to think straight.

May mga tao siyang sinasaktan pero hindi naman umaabot sa punto na papatayin niya na. Hindi kaya ng sistema niya 'yon. Mariin na naipikit niya ang kanyang mga mata nang gumuhit ang init at pait sa kanyang lalamunan pababa sa dibdib.

Kasabay ng pagdama sa init na 'yon ay ang pagsagi ng imahe ng kapatid sa isip niya.

Lately, he used to dream about his brother. Whenever he woke up from that dream, he will se Valerie's face who's sleeping beside him.

Hindi niya alam na may mapait palang nakaraan ang babaeng mahal. Ang tanging alam niya lang ay ang naaksidente ito, gano'n lang.

"Kuya Carlie?" naputol ang ano mang iniisip niya nang marinig ang malamyos na boses na 'yon. "Are you alone?"

Umupo sa tabi niya si Mandy.

"Yeah,"

"One glass of margarita," anito sa bartender at bumaling sa kanya. "May problema ba, kuya? Parang ang lalim-lalim ng iniisip mo. You can share it to me."

"Why are you here?"

"Pauwi na rin ako. Kasama ko naman si Matthew. Ikaw? Bakit ka nandito?"

"To enjoy?"

"Hindi ka naman mukhang nag-e-enjoy. Ilan babae na nga ang lumapit sayo kanina na tinanggihan mo lang. Okay, alam ko na ang iniisip mo."

"Mind reader ka na rin?" sarkastikong tanong niya. "Go home, Mandy."

"No, kuya Carlie. Dapat ikaw ang umuwi. Pwede bang itigil mo na ang paghahanap sa taong 'yon?" alam niya kung sino ang tinutukoy ng kapatid. "It has been four years, kuya, pero wala pa rin tayong balita kung sino ang taong 'yon. Baka nga patay na rin 'yon dahil sa kasamaan niya. Mag move-on ka na, kuya."

Carlie clenched his jaw. This topic is making him furious.

"Hindi gano'n kadali 'yang sinasabi mo, Mandy. Huwag mong isipin na madali lang solusyunan ang mga bagay-bagay sa mundo. Move on? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?"

Nakita niyang bumakas sa magandang mukha nito ang takot sa kanya. May pagka spoiled ang kapatid niya kahit may anak na ito, pero hindi niya kayang isawalang bahala ang nangyari sa isa nilang kapatid.

"Kuya-"

"Alam mo kung ano ang sinapit ni Brent sa taong 'yon. Hindi tama ang ginawa nila sa kapatid natin. Hindi nila dapat ginawa 'yon. Tao ang kapatid natin hindi hayop!"

Naikuyom ni Carlie ang magkabilang palad na nasa ibabaw ng island counter.

"Kaya huwag mong sabihin sakin ang salitang 'move on' dahil sa ngayon hindi ko pa kayang gawin ang bagay na 'yan."

"I'm sorry, kuya Carlie," nakayukong hingi nito ng paumanhin.

Hinawi niya ang buhok ng kapatid na medyo tumabing sa mukha nito. Masyado na yata siyang nakakatakot sa paningin ng kapatid o sadyang mabilis lang itong matakot?

The Imperious BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon