10 ~ Safe

208K 5.8K 198
                                    

CHAPTER TEN

"CARLIE, huwag naman ganito... huwag mong gawin sakin 'to." Pagmamakaawa niya sa binata habang hawak-hawak ang magkabilang braso nito.

Hindi niya nga gaano makapitan dahil sa matitigas na muscles na naghuhumiyaw dahil sa suot nitong plain t-shirt. Hapit na hapit sa braso nito ang damit na 'yon. Iwinaksi nito ang kamay niya at nakakunot ang noo na tinignan siya.

"Pupunta lang ako sa Bayan para makabili ng pagkain. Ano ba ang sinasabi mo?"

Ngumuso siya at binitawan ang mga braso ni Carlie.

"Akala ko kasi iiwan mo na ako rito. Sasama na lang ako sayo."

"Sa ingay mong 'yan? Tingin mo ba may gana pa akong isama ka?"

Itinikom niya ang kanyang bibig.

"Oh, ayan ititikom ko ang bibig ko para hindi ka na maingayan sakin."

But he ignored her. Ang sungit! Suplado!

Carlie started walking again and she followed him. Sumakay ito sa isang bangka na naroon. Siya naman ay nanatiling nakatayo sa dalampasigan. Pinag-iisipan niya kung paano makakasakay sa bangka nang hindi mahuhulog sa hanggang bewang na tubig.

"Pogi," Tawag niya kay Carlie.

Nilingon naman siya nito kaya ngumiti siya ng pagkatamis-tamis na para bang sinasabing 'tulungan mo akong makaakyat'. Kaya lang ay deadma lang ang bodyguard niya.

Tinawag niya ang isang bangkero na nasa katabing bangka lang.

"Pogi," Tawag niya kaya lang hindi ito lumingon. "Pangit!"

Baka kasi ayaw nito ng pogi. Kumaway-kaway siya nang lingunin siya ng lalaki. Nawala ang ngiti sa labi niya nang hindi drn siya nito pansinin at inisnab din ang beauty niya.

Sino ba kasi ang matutuwa kapag tinawag ng pangit?

"Hi,"

Napalingon si Valerie sa bandang gilid niya nang marinig ang boses na 'yon. Akala niya si Carlie lang ang pogi sa naturang Isla, mayro'n pa pala.

"Hello," she flashed a cute smile and waved at the man.

"May kailangan ka ba, Miss?"

Tumingin muna siya kay Carlie na nakatagilid sa gawi niya.

"Oo sana. Gusto kong maka-akyat sa bangka nang hindi mahuhulog."

"Gano'n ba? Tutulungan na lang kita-"

"Baby, come here," Baby?

Pareho silang napalingon kay Carlie na nakalahad na ang dalawang kamay para alalayan siya paakyat.

Ngumiti ulit siya sa lalaki bago inabot ang kamay ni Carlie. Para lang siyang walang bigat na bagay nang mabilis nitong hinawakan ang bewang niya paangat. Ang gaan-gaan niya talaga para sa binata.

Siya na lang siguro ang hinihintay para makaalis na ang bangka. Bakit ba kasi hindi siya tinulungan agad ni Carlie para hindi na naghintay sa kanya. Sabagay tatlo lang naman silang sakay kasama ang bangkero.

Ang ganda ng mga natatanaw niya. Ang presko rin ng hangin at asul na asul ang tubig. Nakikita niya pa ang maliliit na isda na bigla na lang sumusulpot sa tubig at mawawala rin.

Bahagya siyang umupo sa gilid para maabot ang mga 'yon. Ngayon lang niya nakita ang mga ganoong uri ng isda, iba-iba. Tinignan niya si Carlie na tahimik lang na nakaupo at parang hindi naman nito na-appreciate ang ganda ng kalikasan, tila ba sanay na itong makita ang ganda n'yon.

The Imperious BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon