3 ~ Kiss

256K 7.2K 304
                                    

CHAPTER THREE

"TATAKAS ka na naman."

Napalingon si Valerie sa nagsalita.

Palabas pa lang siya sa shop nyia para sana mag lunch. Hindi niya naman nakita si Carlie kanina. Akala niya ay nasa restroom pero nasa paligid lang pala at daig pa ang CCTV camera dahil yata kahit paghikab niya ay nalalaman nito.

"Hindi kaya." She paused and turned around. "Hinahanap kita kasi baka nagugutom ka na, sabay na lang tayong mag lunch." Palusot niya at nginitian ito ng pagkatamis-tamis.

"Akala mo maniniwala ako d'yan sa palusot mo?"

"Hindi naman ako nagpapalusot-"

"Hindi ka rin naman makakalusot."

Naglakad si Carlie palapit sa kanya. Iyon na naman 'yung kabog ng dibdib niya. Magkakasakit yata siya sa puso kapag matagal niya pang nakasama ang lalaking ito. Hindi maganda ang dulot nito sa kanyang kalusugan.

Habang papalapit ito, siya naman ay naglalakad paatras.

"K-Kumain na tayo." Nauutal na sabi niya, then she forced a smile.

Wala naman kasi siyang mabakas na kahit na anong emosyon sa gwapong mukha nito. Baka naiinis na naman ito sa kanya, ayaw daw kasi nito ng maingay na babae. Eh, maingay siya kaya wala itong magawa.

Napapikit si Valerie nangg dumukwang ang binata sa kanya.

"Huwag mo ng tangkain na tumakas kung ayaw mong maparusahan." he whispered, making his minty breath hit her face.

Tumango naman siya at marahan itong itinulak sa dibdib. Nakaka-suffocate ang sobrang pagkakadikit nila. Nagliliparan na naman ang mga paru-paro sa tiyan niya.

Dali-dali siyang naglakad palabas at nagpunta sa favorite restuarant niya. Nakasunod lang naman ang guwapo niyang bodyguard.

"Eat all you can? Seriously?" Carlie asked in disbelief.

"Yes." Valerie looked around. "Bukod sa puwede mong kainin ang lahat, puwede mo rin i-take out kapag hindi mo naubos." Proud na proud pa na sabi niya na animo siya ang endorser ng naturang kainan.

"Sa liit mong 'yan malakas ka pa lang kumain."

"Huwag na huwag mong mamaliitin ang kaliitan ko. Alam ko iyon!"

Kung makapanglait ang lalaking ito parang sobrang liit niya naman. Six inches sandals na nga ang suot niya pero maliit pa rin ang tingin nito sa kanya.

Pinasadahan pa ni Carlie ng tingin ang buo niyang katawan na tila pinag-aaralan ang sukat n'yon. Para maiwasan ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi ay tinalikuran niya ito at parang ramp model na naglakad sa loob ng resto. Chin up, chest out and stomach in.

Kahit hindi naman siya katangkaran katulad ng ibang mga babae hindi naman ibig sabihin n'yon ay hindi na siya attractive. Bukod sa magandang mukha ay maganda rin ang hubog ng kanyang katawan, hindi lang talaga siya biniyayaan ng tangkad.

"Hindi ka kaya mabulunan n'yan?" Nakangiwing tanong sa kanya ni Carlie habang tinitignan siyang kumain.

Inubos niya muna ang laman ng bibig bago ito sinagot.

"Sanay akong kumain dito kaya huwag kang mag-alala may inumin naman kung sakaling mabulunan ako." Itinuro niya ng tinidor ang pagkain nito. "Diet ka?"

"No, hindi ko lang gusto ang pagkain dito."

"Bakit?"

"I just don't like." he simply scanned the area. "Mukha naman kasing hindi pagkain ang pinunta ng mga tao dito."

The Imperious BodyguardWhere stories live. Discover now