19 ~ Tragedy

159K 4.5K 114
                                    

CHAPTER NINETEEN

HINAWAKAN ni Valerie ang pendant ng kwintas na ibinigay sa kanya ni Carlie noong Valentines' date nila, habang nakatitig sa kisame ng silid na tinutuluyan niya sa bahay ni Gabby.

It has been five days since the last time she saw her bodyguard, and swear to God she missed him so much.

Pinasadahan ng daliri niya ang pendant at napangiti. Ang kwintas nalang na 'yon ang tanging bagay na nagbibigay sa kanya ng pag-asa na isang araw ay... matatapos din ang lahat ng ito. And when it happened, she's hoping that she would be with Carlie.

"Uh, I miss you, Carlie!" she murmured.

Ilang beses na siyang nagpagulong-gulong sa kama dahil hindi siya datnan ng antok. Ilan araw niya ng kasama si Gabby pero wala naman kasing nangyayari sa gusto nilang mangyari. Ni isa sa mga nawala niyang ala-ala ay hindi pa rin bumabalik.

Tama pa ba itong ginagawa niya? Baka nagsasayang lang siya ng oras, ha.

Tumayo si Valerie at binuksan ang bintana ng kanyang silid. Mabuti pang nakakalanghap siya ng hangin. Pakiramdam niya kasi ay na-so-suffocate siya sa apat na sulok na tinutuluyan niya. Dahil siguro sa kainipan kaya naisipan niyang umuwi na lang sa kanila.

She find it weird because her father did not look for her? Carlie did not, too? Why? They must look for her! She started to get confused again.

"What the-"

Napatayo siya ng tuwid at kumurap-kurap pa nang matanaw mula sa labas ng bahay ni Gabby ang isang naka all black na lalaki. Pero mabilis din itong nakapasok sa loob ng itim na sasakyan.

Nag-ha-hallucinate lang ba siya o si Carlie talaga ang natanaw niya?

"Carlie... he's here?" she murmured.

Valerie shook her head. It's better if she talks to Gabby tomorrow and tell him that she wants to go home. Wala din naman kasing nangyayari sa pamamalagi niya sa bahay na iyon.

Alam niya na sobra sobrang effort ang ginagawa ni Gabby para lang maalala niya ulit ang lahat, kaya lang ay hindi talaga umi-epekto ang ginagawa nila. Tatanggapin niya na lang ba sa sarili ang katotohanan na wala ng pag-asang bumalik ang dati niyang ala-ala?

Muli ay napatitig siya sa itim na sasakyan na pinasukan ng lalaking nakita niya ilang minuto lang ang nakakalipas. Parang may sariling isip ang kanyang mga paa nang magpasya na lumabas ng kanyang silid para lamang puntahan ang lalaki.

Alam niyang delikado ang gagawin niya dahil hindi naman tama na lumabas siya ng bahay sa ganoong oras. But her mind keep telling to go outside.

Hindi siya sigurado sa mangyayari. Nag dahan-dahan siyang naglakad at nagpalinga-linga sa paligid baka kasi may mga gising pa na security guard at makita siyang papalabas.

Isa pang ipinagtataka niya ay kung bakit ang daming gwardiya sa bahay na 'yon? Samantalang pwede naman na sila lang ni Gabby? Di ba?

Ang maganda lang sa lalaki ay hindi siya nito pinagsasamantalahan. At huwag na huwag itong magtatangka dahil sisiguraduhin niyang ipapabugbog niya ito kay Carlie!

Isang hakbang na lang ay makakalabas na si Valerie sa gate nang may magsalita sa likod niya. Naka-hang pa ang isa niyang paa at bahagya pa siyang nakayuko, kung titignan ang itsura niya halatang tatakas siya!

"What do you think you were doing, my Princess?"

That baritone brought chills to her entire body.

It felt like it was not Gabby. It was not his voice. Ngayon niya lang narinig ang gano'ng klaseng boses mula rito.

Hindi siya sigurado kung naglalakad ba ito palapit sa kanya dahil nakatalikod siya. But she can hear footsteps. Mabuti na lang ay hindi ito katulad ni Carlie na hindi niya nariringgan ng mga yabag.

The Imperious BodyguardWhere stories live. Discover now