9 ~ Heat

204K 5.5K 322
                                    

CHAPTER NINE

MALAKAS siyang napasinghap nang makita ang duguan na mukha ni Carlie. Nakaupo ito sa kahoy na upuan at nakatali sa likod nito ang dalawang kamay. Inilibot ni Valerie ang kanyang paningin sa buong paligid at ganoon na lang pagkagimbal ng mapagsino ang mga taong naroon.

Kagigising niya lang halos at pupungas-pungas pa nga siya. Now, they are inside the Gym and Carter is surrounded by her father's security. Galit na hinawi niya ang mga lalaki at hinawakan ang magkabilang pisngi ng binata. He groaned but he did not speak. Nakayukyok lang rin ang ulo nito.

"Carlie, tulog ka ba? Look at me." she said while caressing his face.

She wiped the blood on the side of his lips using her thumb, making him groan again.

Nanlilisik ang mga mata nang tignan niya ang mga tauhan ng daddy niya. Tumayo siya.

"Sino ang may sabi na saktan niyo sya?!" Sigaw niya sa mga ito.

Nakakuyom ang magkabilang palad niya. Talagang nagpupuyos siya sa galit!

"Si Don Henry po, Senyorita."

"At bakit gagawin ni daddy 'yon?!" Sigaw niya ulit. "Umalis na kayo rito wala kayong karapatan saktan si Carlie!"

Muli ay yumukod siya at inangat ng bahagya ang mukha ng binata. Napangiwi pa siya nang makita ang black eye nito.

"Ano ba kasi ang ginawa mo bakit ka nila binugbog? At nagpabugbog ka pa talaga. Tignan mo may bangas na tuloy itong mukha mo." Kinakausap niya ito kahit hindi siya sigurado kung naririnig ba siya o ano.

"Lumayo ka sa lalaking 'yan, Valerie." Nag-angat siya ng tingin sa nagsalita. "Hindi siya makabubuti sayo."

"Bakit dad? Ano po ba ang ginawa sayo ni Carlie? Bakit kailangan saktan niyo pa siya?"

"He almost killed you! You almost got killed dahil sa kapabayaan niya!"

Nagtagis ang bagang ng kanyang ama at pinukol ng isang masamang tingin ang binata. The kind of stare that could kill.ung That's her father. Nakakatakot.

"What do you mean, daddy? He saved me! Alam natin pareho iyon."

Hindi niya gawain na sumagot-sagot sa ama pero kasi hindi niya na mapigilan. Hindi kasi tama, hindi tama ang ginawang pananakit sa dati niyang bodyguard.

"Trabaho niya ang bantayan ka pero hindi niya nagawa ng maayos iyon kaya napasok ka ni ShaneLu at nilason ka!"

"Si ShaneLu?!" Bulalas niya. "Nalason ako daddy? Nilason niya po ako?"

"Yes, Princess. Hindi sana mangyayari 'yon kung naging mahigpit lang ang lalaking 'yan." Dinuro pa nito ang walang malay na lalaki sa tabi niya.

"Walang kasalanan si Carlie. Wala pong may alam na may lason ang ibinigay na pagkain sakin ng baklitang 'yon. Hindi niyo po dapat ipinabugbog si Carlie. Mali kayo dad. Hindi niyo na po dapat siya sinaktan."

Pinigil niya lang huwag maluha sa harap ng ama. Ayaw niyang malaman nito na pagtingin siya sa bodyguard niya. Sigurado kasing tututulan lang nito ang nararamdaman niya.

"Layuan mo ang lalaking iyan kung ayaw mong ako mismo ang maglayo sa kanya sayo." May himig na pagbabanta sa boses ng ama. "Alam mo kung paano ako magalit anak. Wala akong sinasanto."

Nangilabot si Valerie sa paraan ng pagtitig ng ama sa katabi niya. Natatakot syia sa maaaring gawin nito sa binata. Ayaw niyang masaktan na naman si Carlie kasi nasasaktan din siya.

She embraced him and sobs on his neck. She don't care if her father is watching her and her reaction. Hindi pwedeng mawala si Carlie sa kanya. Hindi siya papayag.

The Imperious BodyguardWhere stories live. Discover now