Epilogue

217K 5.5K 340
                                    

EPILOGUE

"TAKE a rest, mom. Huwag ka nang mag-alala samin. Mag-iingat kami," Corvette said and kissed her forehead.

Tinignan ni Valerie ang tatlong lalaking anak nag-gagwapuhan na nakatayo sa harap niya. Tatlo ang anak nila ni Carlie at puro lalaki. Binata na rin lahat at namomroblema na rin siya dahil sa dami ng babaeng nagpupunta sa mansyon para ligawan ang tatlo.

Ang anak niya ang nililigawan. Malakas talaga ang karisma ng mga ito lalo kapag magkakasama at isama pa ang asawa niya. Ilan taon na siyang napapaligiran ng mga guwapong nilalang.

"Kuya Corvette is right mom and don't worry, wala kaming iuuwing babae dito sa bahay," pagsang-ayon naman ni Mazda na pangalawa sa magkakapatid.

Tinitigan ni Valerie ang tatlo.

"Siguraduhin niyo lang na walang babae na maghahanap sa inyo kung hindi malalagot talaga kayo sakin,"

"That scare the hell out of me, mommy!" bulalas naman ni McLaren ang bunsong anak niya.

Ito ang pinaka madaming babae at naiirita siya sa mga babaeng nagpupunta sa mansyon nila. Naiistorbo lagi sila ni Carlie. Anyway nasaan na nga ba ang asawa niya?

"Pinapainit niyo na naman ang ulo ng mommy niyo?"

Isang baritonong boses ang nakapagpatayo ng tuwid sa mga gwapong kausap niya.

Mas takot ang mga ito kay Carlie kaysa sa kanya. Grabe kasi mag desiplina ang asawa niya. Siya nga rin ay natatakot baka kasi nasasakal na ang tatlo nilang anak.

Nagkatinginan ang mga ito na tila ba nag-uusap sa mga mata kung sino ang dapat magsalita.

"What is it, McLaren?" si Carlie sa bunso nilang anak.

Si McLaren ang pinaka maloko sa lahat pero tumitiklop ito at parang maamong tupa kapag kaharap na ang ama.

"We want to party tonight, dad."

Tumaas ang dalawang kilay ni Carlie na para bang sinasabing 'papayagan ko kayo pero sa isang kondisyon' at sigurado siya na may ipapagawa na naman ito sa mga anak nila.

"Follow me to the field," iyon lang at lumabas na ang asawa niya.

Nagkatinginan na naman 'ung tatlo at bagsak ang balikat na sumunod sa ama.

Field. Ang lugar kung saan nagtitraining ang tatlo nilang anak na malapit ng maging ganap na secret agent at si Carlie lang ang nagtitrain sa mga ito.

Nasa twenties pa lang ang anak nila kaya medyo sumusunod pa sa gusto nila o sadyang takot lang ang mga ito sa asawa niya? O sadyang masunurin lang ang anak nila?

Sumunod si Valerie sa mga ito at umupo sa bakanteng upuan na naroon. Naka black na sando ang apat na lalaki and jeans. Maganda ang tindig ng mga ito kaya naman hindi na siya nagtataka kung bakit ilan ng management ang tinanggihan ng mga anak niya upang sana gawing modelo.

Ayaw sana nilang sumunod sa yapak nila ang mga ito kaya lang mukhang nasa dugo na nila ang pagiging secret agent kaya naman wala na silang nagawa sa piniling propesyon ng tatlo.

Naka-blindfold si Carlie habang pinapaligiran ng tatlo.

Minsan naiinis siya sa asawa kasi parang hindi ito tumatanda at malakas pa rin. Pinagmasdan niya lang ang ginagawa ng mga ito, naka posisyon na ang tatlo niyang anak to attack their father at sigurado siya na walang magpupunta sa party ngayong gabi dahil hindi naman napapabagsak ng tatlo si Carlie kahit naka blindfold pa ito.

Iyon kasi ang kondisyon, dapat mapabagsak ng mga ito ang asawa nya.

"Dad," bakas sa boses ni McLaren ang pagrereklamo. "Pwede bang iba na lang?"

The Imperious BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon