Chapter 44: Love and Fashion Part 2

72.1K 1.5K 161
                                    

Chapter 44: Love &Fashion Part 2

 

 

Rina's P.O.V

 

 

          Hanggang sa matapos yung klase namin, walang imik si JD. Tahimik lang sya at mahahalata mo sa mukha nya yung pagkabadtrip nya sa mundo. It spells all over his face!

          Naalala ko pa yung mga pinagsasabi nya kanina sa klase...

[Flashback]

 

 

          "What is that piece of sh*t doing here?!" inis na sabi nya sa akin.

          I try to concentrate sa lesson ni Ma'am about proper labeling of clothes and stuff. Kaya lang kahit anong pilit kong intindihin yung klase, the fact na katabi ko ngayon si JD at si B.O., talagang mawawalan ka ng concentration.

          Dahil sa gwapo sila? No. Dahil napapagitna ako sa gitgitan ng masasamang tingin nila.

          Kung bakit kasi pinayagan ni Ma'am na mag-sit in yang si JD dito eh! Sana man lang nilipat nya ako ng upuan bago sya nagdecide!

          "Ikaw ang dapat kong tanungin nyan at hindi ako..." sagot naman ni B.O.

          Kahit na mahihina lang yung boses nila, nararamdaman ko pa din yung diin at galit sa bawat salitang binibitawan nilang dalawa

          "You're too good for nothing bastard!" mariing sabi ni JD.

          See what I'm talking about?

          "And you're sh*t." nagulat ako nang sabihin 'to ni B.O.

          Seriously?! The friendly to all B.O. said that?!

          Nagulat ako nang biglang hampasin ni JD yung table namin sabay napatayo. Napatayo na din si B.O.

          "Let's end this now!" amok ni JD.

          "Do it. Don't say it."

          They grab each other's shirt then pulled each other to one another. Lagot na talaga! Napakalaking riot na talaga 'to!

          "YOU TWO, OUT!" malakas na sigaw ni Ma'am saka tinuro yung pinto palabas. "Kanina pa kayo! Hindi ko na nga kayo pinapansin, sige pa din kayo sa pagpapansin! Hala sige! LABAS!"

          First time kong natuwa kay Ma'am sa sinabi nya. Good decision Ma'am!

[End of flashback]

 

 

          I thought JD will leave the room. Pero dahil sa alam nyo namang matigas ang ulo nya, hindi sya lumabas. Pasaway talaga!

          "I really saw that sh*t somewhere before..." biglang sabi ni JD.

          Nasa may sasakyan na pala kami at papauwi na nang muli na naman nyang inungkat yung topic about B.O. Tsk! Sya na rin nagbibigay sa sarili nya ng sakit sa ulo. Hay nako.

          "Hindi pa ba tapos yan?" pagod na sabi ko. Sumasakit ulo ko sa kanya.

          'Mama, Papa, umuwi na po kayo...'

My Jealous Stepbrother (Book 2)Where stories live. Discover now