Chapter 11: Sorry

96K 1.8K 252
                                    

Chapter 11: Sorry

 

 

Rina's P.O.V

 

 

          Sa lahat ba naman ng magiging model para sa final requirement namin, yung impakto este si JD pa talaga!

          "Hi sis!" nakangising sabi nya sabay tingin kay Nozomi. "You! Move!" sabi nya saka turo sa malayo.

          "At baket?!" nasabi ko na bang presidente ng haters club ni JD si Nozomi?

          "Because I said so." cool na sabi ni JD.

          "At kung ayoko?" pagtataray naman ni Nozomi.

                                                                               

          "Ako mismo mag-aalis sa'yo dyan sa upuan mo." pagbabanta naman ni JD.

          Mukha naman natakot si Nozomi sa sinabi ni JD kaya inis itong tumayo sa kinauupuan nito sa tabi ko.

          "Hindi ko alam kung paano ka naging kaibigan ni Sean!" inis at pagdadabog ni Nozomi.

          "At hindi ko din alam kung paano naging kayo." nakangising sabi nito. He loves irritating people. At alam kong nagpipiyesta na yan sa loob-loob nya sa pag-iinis kay Nozomi.

          "Argh!" And Nozomi lose. Tsk! Nice try though friend. "Alis na ko Rina! Papanget lang ako sa mayabang na 'to!"

          "Miss Nozomi where are you going?" sita naman nung Prof naming masungit.    

          "MagsiCR ma'am!"

          At tuluyan na ngang nawala sa paningin naming lahat si Nozomi.

          "So..." nakangising sabi nya matapos nyang umupo sa tabi ko. "Take good care of me stepsister okay?"

          Naninibago ako sa ugali ni JD ngayon. He's too...madaldal to be JD? Ewan! Basta may iba sa kanya!

          "Ano na naman bang kailangan mo Jasper?" cold na sabi ko.

          Yup. Back to the start. Tatawagin ko ulit syang Jasper. Way ko na rin siguro yun para iwasan sya at para tantanan na din nya ako. Pagod na ako sa panggugulo nya sa akin...physically and emotionally.

          "Woah! We're back to Jasper thing again?" sarcastic na sabi nya. "Baka gusto mong tawagin akong Mr. Villafuerte para mas masaya?"

          I know I pissed him off. Pero hindi ko alam kung anong dahilan. Tsk! Abnormal talaga ng isang 'to! Bigla-bigla na lang magagalit ng walang dahilan.

          "Kung iyan ang gusto mo, bahala ka..." sabi ko na lang saka inabala ang sarili ko sa pagtingin-tingin ko sa sketchpad ko.

          Ilang sandali din syang hindi umiimik. Nakatingin lang sya sa akin...base na rin sa peripheral vision ko.

          'Wag mong pansinin Rina! Titigilan ka din nyan...' sa isip ko.

          Kahit kating-kati na yung ulo kong lingunin sya at pagsabihan na tigilan nya yung pagtingin-tingin nya sa akin, tiniis ko. Mamaya kasi iba na naman yung maging reaksyon ng puso ko.

My Jealous Stepbrother (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon