Special Chapter: Momi's Birthday

93.8K 1.7K 359
                                    

Special Chapter: Momi's Birthday

 

 

JD's P.O.V

 

 

          "Why do I need to be the escort?!" angal ko kay Dad. "Maghanap na lang kayo ng iba! Ayoko!"

          "Ano ka ba naman Jasper?! Para namang hindi mo pinsan si Tomomi!"

          "Hindi talaga..." mahinang bulong ko saka tingin sa malayo.

          "Huh? May sinasabi ka ba?"

          "Wala!" inis na sabi ko saka napasabunot sa buhok ko. "Nakakainis! Bakit ako pa?!" I don't wear suits!  I don't do birthdays!

 

 

          Sya nga pala, tinatanong nyo kung ano yung pinagtatalunan (na naman) namin ng Daddy ko? Well, it's about my cousin's 18th birthday. Si Tomomi short for Momi.

          Siguro kilala nyo na naman sya...o hindi pa? Well, I'll introduce her to you.

          Sya lang naman yung pinakamakulit sa lahat ng makulit na tao na nakilala ko! 18 na pero utak pang 6 years old! At ang pinaka nakakainis pa sa lahat, what she wants, she gets! At ngayon nga ako ang gusto nyang maging escort sa birthday nya! Tch! That girl! She's so annoying!

          You're asking if I hate her? No. I just...can't stand her presence! Isipin nyo na lang na parang may dalawang Renji akong kasama kapag nadikit ako sa kanya. Can't you see how troublesome is that?!

          "Basta ayoko!" pinal na sabi ko saka tumayo sa may dinning area. "Hindi mo ako mapipilit at hindi nyo ko mapapupunta dyan sa birthday celebration na yan!" mamaya ano pang gawin sa akin ng babae na iyon!

          Nga pala, nasabi ko na ba sa inyong obsess sa akin yung babaeng iyon?

          Simula nung bata pa lang kami (mas bata sya sa akin), lagi na syang nakadikit sa akin. Tinatawag pa nga nya akong Prince Charming noon dahil sa tinanggal ko lang yung tinik na naapakan nya habang naglalaro sya sa garden ng dati naming bahay sa States.

          Noong una okay lang ako doon sa situation na iyon. After all, I like to have a sibling. A little sister is not bad idea.

          Pero habang tumatagal, lalo akong nangingilabot sa kanya. Nung 6 years old pa lang ang batang iyon, pinag-uusapan na nila ng mga magulang ko ang kasal namin! Yup, KASAL! And that creeps me out kaya mula ng araw na iyon, hindi ko na kinausap si Momi.

          At first, I feel bad about her. Mag-isa lang din kasi sya at ako lang ang nag-iisa nyang pinsan sa mother side. Kaya kinausap ko ulit sya nung 13 years old na sya.

          But same with her natural nature, pinipilit nya pa rin sa akin yung tungkol sa kasal-kasal na yan!

          Napayakap ako sa sarili ko nang wala sa oras ng makaramdam ng kakaibang lamig. I now this feeling! At sa paglingon ko, I saw her.

          "Momi?!" paniniguro ko pa. Baka kasi imagination ko lang yung nasa harap ko.

          'Sana imagination nga lang!'

 

 

          "Why JD nii-sama?! Why you don't want to be Momi's escort?!" nakasimangot na sya nyan. Maya-maya lang magtatantrums na yan. And she uses third person point of view!

My Jealous Stepbrother (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon