Chapter 4: Seducing JD Part 2

93.5K 2K 209
                                    

 A/N: Dahil sa nakakatuwang comments na narereceive ng MJSB 2nd Half, sinisipag akong mag-update. Kaya sana wag kayong magsasawang magleave ng comments nyo okay? Hayaan nyo po, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mapaganda yung 2nd half at mareach ang expectations nyo sa kwento nila JD at Rina kaya sana wag kayong magsawa sa pagsuporta sa MJSB. :)

 

Chapter 4: Seducing JD Part 2

 

 

Rina's P.O.V

 

 

          When we enter the room, I caught everyone's attention. Lalo tuloy akong napakapit ng mahigpit sa kamay ni Nozomi.

          "Sigurado ka ba dito Nozomi?" mahinang bulong ko sa kanya.

          Nasa tabi lang kasi namin si Sean at ayaw kong marinig nya ang pinag-uusapan namin ni Nozomi.

          I know that I am still not in good terms with the rest of Trinity X dahil na rin sa naging issue between me and JD. They don't like me for their friend and did not approve anything about me at all. But at least I get civil interaction with them. That's what I'm thankful with the situation right now.

          I remember Sean's reaction when he saw me. Ni hindi nya nga ako nakilala. He was so shock to the point na halos lumawa na yung mata nya sa gulat nang makita ako.

          "Trust me with this Rina." Nozomi said the she wink at me afterwards.

          Wala na akong ibang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga at sabayan sya sa paglalakad nya.

          Chin up, chest in, stomach out and bring yourself with confidence. Basic daw yan sa modeling pero hindi ko malaman kung ano ang koneksyon ng modeling sa pinasuot nya sa akin.

          Nung una nyang ipakita sa akin ang damit na ito, ang tindi ng pagtanggi ko. Paano ba naman, parang wala na akong tinatago sa suot ko. Sobrang iksi kasi. Saka giniginaw na ako sa damit na 'to!

          Kung bakit pa kasi ako sinama ni Nozomi eh! Alam naman pala nyang nandito din si JD tapos sinama pa nya ako!

          "Look! He finally notice you!" siko sa akin ni Nozomi.

          Napasunod ako ng tingin sa tinitingnan ni Nozomi. And there he was. Standing just few feets away from me.

          Tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa and I can see horror in his face. Nung ibalik na nya sa mukha ko yung tingin nya, his reaction turned into disgust.

          'For all the effort I've done, this is what I got?!' sa isip ko.

          Unappreciative JD Villafuerte! I hate you!

          "Perfect!"

          Bigla akong napalingon sa nagsalita and I saw Renji clapping his way to me. At nung nasa tabi ko na sya, nagulat ako ng bigla na lang nya akong akbayan.

          "She's my date for tonight right?"

          'What?! As in for real?!'

 

 

          Nilingon ko si Nozomi para tanungin sya kung totoo ba yung sinabi ni Renji at tango na lang ang sagot nya sa akin. Na para bang sinasabi nya na makisakay na lang ako.

My Jealous Stepbrother (Book 2)Where stories live. Discover now