Chapter 10: The New Student

108K 2K 200
                                    

Para po sa mga nababastusan at nasasamaan sa ugali ni JD, ipapaalala ko lang sa inyo na BAD BOY po dito si JD at isang GANGSTER kaya wag na kayong umasa na may magandang lumalabas sa bibig ni JD. He's a gangster by blood and in personality kaya wag ng magulat sa rudeness nya.

 

Hindi ito gaya ng mga nababasa nyong gangster story na lalambot-lambot yung mga gangster bida nila. Dito, masama talaga si JD—masama ugali. Kaya sana, para sa mga bumabatikos kay JD, tumigil na. Kasi napaghahalataan na hindi nyo binasa yung 1st Half eh. Saka baka makuyog kayo ng JD Fans Club kaya tumigil na.

 

At kung naghahanap kayo ng bait-baitang kwento, pwes, hindi para sa inyo ang MJSB. Wag ng basahin ang MJSB kung hindi gusto dahil puro rudeness ang mababasa nyo dito at walang katapusang murahan. Walang namimilit sa inyo na basahin 'to kung nababastusan kayo. Thank you.

 

 

Chapter 10: The New Student

 

 

Rina's P.O.V

 

 

          "What?! Ginawa nya kay Xander yun?!" malakas na sabi ni Nozomi.

          "Ano ba Nozomi? Can you tone down your voice?" nahihiyang sabi ko sabay napayuko-yuko sa mga classmate namin na pinagtitinginan na kami.

          "Anong tone down?! Tone down ka dyan?! Hindi pwede! Aba! Sumusobra na ang JD Villafuerte na yan huh?! Ano bang akala nya sa saili nya?! Diyos?! Aba! Hindi na makatarungan yun! Labag na sa human rights yun! Trafficking na yun!"

          "HUH?!" ako naman yung napatanga doon sa sinabi nya.

          'Paano naging trafficking yun?'

 

 

          "Hindi ko na mapapayagan 'to! Grabe na sya! Grabe sya! Wala syang karapatang bastusin si Prince Xander na ganoon-ganoon na lang!"

          Oh I forgot to tell you guys, presidente pala ng fans club ni Xander si Nozomi. I wonder if Sean knows that. Malamang magkakagulo na naman sa Westside kapag nalaman nya.

          "At saka paano nya ba nakuha yung mga underwear mo huh?!" pilit na kinakalma ni Nozomi ang sabi nya saka naupo sa tabi ko. "Nanggaling ba sya sa kwarto mo? At kung ganoon nga, ano namang ginagawa nya doon?"

          Muling pumasok sa alaala ko yung ginawang panghaharas ni JD sa akin. I know that he did that because he's drunk and mad. Pero kahit ganoon, hindi ko pa din mapigilang manginig sa takot tuwing maalala ko ang pangyayari na iyon.

          I don't want to see JD in that state ever again.

          "Hoy!" sabi ni Nozomi sabay pitik ng daliri nya sa harapan ko. "Ano na? Bakit parang namumutla ka yata?"

          Iling na lang ang isinagot ko kay Nozomi saka pilit na ngumiti.

          "Hmm...alam ko na ang mga ngiting ganyan." sabi nya. "May ginawa na namang hindi maganda yung JD na yun sa'yo no? Sabihin mo sa akin! Tara! Ipapagulpi ko na yun sa mga tambay sa kanto namin!"

My Jealous Stepbrother (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon