Epilogue:

185K 5.5K 1K
                                    

EPILOGUE

Warren's POV

Nag-uumpisa nang mag-init ang ulo ko. Kanina ko pa siya tine-text pero hindi naman siya nagre-reply. Sinubukan ko siyang tawagan, pero hindi naman niya sinasagot ang phone niya. Nasaan na ba ang babaeng iyon?

Ang usapan namin hihintayin ko siya sa parking area kung saan nakaparada ang kotse ko. Pero halos kahalating oras na akong naghihintay roon ay wala pa rin siya. Naiinis na bumaba ako ng sasakyan at nagmartsa patungo sa cafeteria. Nagbakasakali ako na baka naroon siya at kasama ng mga kaibigan niya. Pero pagdating ko roon ay wala sila sa paborito nilang pwesto. Pinuntahan ko rin ang tambayan nila sa gilid ng chapel. Ngunit hindi pa ako nakakalapit sa lugar na iyon nang makasalubong ko sina Sarah at Aileen.

"Nakita nyo ba si Hope?" Tanong ko.

Sabay na umiling ang dalawa. "Nagmamadali siyang umalis kanina pagkatapos ng klase namin sa statistics." Si Sarah.

"Pupunta raw siya ng clinic. Sumasakit daw kasi ang ulo niya." Sagot naman ni Aileen.

"Thanks!" Sabi ko bago sila tinalikuranat nagmamadaling nagtungo sa sinasabi nilang clinic. Ngunit pagdating ko roon, maliban sa naka-duty na nurse ay wala namang ibang pasyenteng naroon.

Nasaan ka na ba?

Paliko na ako ng hallway nang makasalubong ko naman ang kapatid niya. "Huy! Alam mo ba kung nasaan ang ate mo?"

Sinimangutan ako ni Honey. "Malay ko! Di ba kayo ang laging magkasama? At saka hindi huy ang pangalan ko! Naging kayo lang ni Ate Hope nakalimutan mo na ang pangalan ko." Inirapan niya ako sabay talikod sa akin. 

Napakamot na lang ako ng ulo ko.

Mga ten minutes na siguro akong naglilibot pero ni anino ni Hope ay hindi ko makita. Sinubukan ko ulit siyang tawagan. Pero hindi pa rin niya sinasagot ang phone niya. Bigla tuloy akong kinabahan. Wala naman sanang nangyaring masama sa kanya. Napaka-accident prone pa naman ng babaing iyon!

Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw ko si Jeric na may ka-holding hands na babae. Langya! May girlfriend na pala ang loko hindi man lang nagkukuwento sa akin. Pero nakapakunot noo ako dahil parang pamilyar sa akin ang kasama niya. Parang si... Julie?

Alam kata ito ng mga kaibigan niya? Malamang hindi. Dahil siguradong magkukuwento naman sa akin si Hope kung mayroon.

Nagpatuloy ako sa paghahanap sa babaing iyon. Lakad pa rin ako ng lakad. Napuntahan ko yata ang lahat ng mga lugar na posible niyang puntahan pero hindi ko pa rin siya makita. Gusto ko na nga sumuko at umuwi na lang sa bahay para matulog. Pero syempre, matitiis ko ba siya? Wala sa loob na napatingin ako sa lalaking estudyante na natutulog sa damuhan. 

Bigla akong may naalala.Now I know kung saan ko siya matatagpuan.

My Stupid Mistake (published under Pastrybug)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon