Prologue:

878K 5.6K 400
                                    

Out of the blue, bigla kong naisip na isulat ito. It's supposed to be a long run story. But I decided to make it a little shorter... sayang naman kasi kung hindi ko matatapos. Anyway I hope you support my second story like what you did to my first. Happy reading -___^ Y




Prologue:




"Sabi nila, hindi na natin kailangan tumingin sa malayo para makita ang soulmate natin..." 

Napangiti si Hope sa sinabing iyon ni Sarah habang binabasa nito ang nilalaman ng hawak nitong libro. Mula kasi sa kinauupuan nila ay natatanaw niya si Jason, ang kanyang apple of the eye. 

He is the perfect guy for her. Matalino, mabait, friendly, laging nakangiti, gentleman at higit sa lahat...muy guwapito! Nasa kanya na yata ang lahat. Kaya hindi nakakapagtaka na mahalal ito bilang Student Council President para sa taon na iyon.

Siguro nga ay tama ang kaibigan. Hindi na niya kailangan tumingin sa malayo. Dahil malakas ang pakiramdam niya na si Jason na ang kanyang soulmate.

"Pero tumingin ka nang mabuti ha?..." Pagpapatuloy ni Sarah na nagpalingon sa kanya. "Baka kasi iba ang makita mo... Akala mo siya na, yun pala natatakpan lang niya!"

Muling lumipad ang mga mata ni Hope sa kinaroroonan ng binata. Laking pagkadismaya niya nang umalis ito sa puwesto nito. At bumulaga sa paningin niya si Warren. Bigla tuloy siyang napasimangot.

Naman! Sa dinami-dami pa ng lalaki ay kung bakit ito pa? Dismayadong napanguso siya.

My Stupid Mistake (published under Pastrybug)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon