Chapter Six

190K 2.9K 197
                                    

Isang maiksing UD, pasensya na kung medyo natagalan at pasensya na rin kung medjo maiksi. Ito lang kasi ang nakayanan ng utak ko na ilang araw nang walang laman, hehe.. anyway enjoy reading ^___- y

CHAPTER SIX

Hope's POV

Abala ako sa pagpapaligo ng mga alaga kong aso nang may isang magarang sports car ang pumarada sa tapat ng bakuran namin.

Astig! Pero sino naman kaya ang nagmamay-ari nyon?

Wala naman kaming kamag-anak na kayang bumili nang ganong kamahal na sasakyan?

At sa mga kaibigan ko, si Carl lang ang alam kong may sasakyan at Volkwagen pa na old model.

Hindi kaya sa kaibigan ni Honey? O kaya nina Papa at Mama?

Napakamot na lang ako ng ulo. Bakit ko ba pinahihirapan ang sarili sa pag-iisip?

Malamang sa kakilala iyon ng kapitbahay namin at nagkataon lang na sa tapat ng bahay namin pumarada.

Sa kakaisip ko tuloy ay nakawala sa kamay ko si Kikay, ang labrador kong aso. Nagtatakbo siya palayo sa akin habang punung-puno pa ng sabon ang buong katawan niya.

"Kikay!" tawag ko sa kanya. Sinubukan ko siyang lapitan pero tumakbo lamang siya na parang nagpapahabol pa sa akin.

"Malalagot ka sa akin kapag naabutan kita!" Banta ko sa kanya na para bang naiintindihan niya ako.

Nang sa wakas ay nahuli ko rin siya. Pero ako ang nasorpresa nang pumagpag si Kikay ng ubod ng lakas. Nagtalsikan tuloy sa akin ang sabon at tubig na nasa katawan niya. Dahil doon ay nabitawan ko ulit siya.

Waahh... mukha tuloy akong basang sisiw!

Napadilat ako nang marinig kong tumahol si Kikay. Nakasampa ang dalawang paa niya sa may gate at patuloy na tumatahol.

May tao?

Lumapit ako sa gate at binuksan iyon. 

At nasorpresa ako sa nakita.

The jerk looked adoringly handsome. He was in a yellow stripes poloshirt and dark maong pants. Ngayon ko lamang siya nakitang pumorma ng ganon. At bagay na bagay sa kanya ang suot niya. 

Pero teka? Ano nga pala ang ginagawa dito ni Warren? Ibig sabihin sa kanya ang nakaparadang magarang kotse sa tapat ng bahay namin?

"Bahay namin ito! Hindi kaya nagkamali ka lang ng bahay na pinuntahan? Baka naliligaw ka?" Matapang na sabi habang nakapaweywang sa harapan ng binata.

Hayun na naman ang poker face niya na ikinaiinisan ko. "Alam kong bahay ninyo ito."

My Stupid Mistake (published under Pastrybug)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon