Chapter Twelve

152K 2.4K 142
                                    

Katulad po nang madalas kong sabihin, hindi ko na ito pahahabain pa. Last 2 episodes na lang po at magtatapos na ang MSM.  (sa wakas! haha...) Masisimulan ko na rin ang story ni Papa Jared at ngayon pa lang super excited na ako... \ (^___^)/

Enjoy reading everyone..

CHAPTER TWELVE

Hope's POV

Dalawang araw na akong hindi pumapasok sa school. Nagkataon naman na dinatnan ako ng menstruation. Nagkaroon ako ng dahilan para mapaniwala si Mama na masama nga ang pakiramdam ko at hindi ko kayang pumasok.

Buong araw lang akong nagkukulong sa kuwarto ko. Madalas ay natutulog lang ako. Kung hindi naman ay nagbabasa lang ako ng pocketbook. Dalawang araw na rin naka-off ang cp ko. At hindi rin ako nagbubukas ng FB. Siguradong uulanin lang ako ng messages mula sa mga kaibigan at kaklase ko. At wala ako sa kondisyon nasagutin ang lahat ng mga mga iyon.

Takte! Napabangon akong bigla nang makaramdam ako ng pananakit ng ulo. Nasobrahan na yata ako sa katutulog. Tumayo ako at papunta na sana sa banyo nang mapadaan ako sa wall mirror. Halos hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Gusot-gusot ang suot kong loose t-shirt. Ganun din ang aking padjama. Magulo ang buhok na halatang hindi nasusuklay. At namamagang mga mata at pisngi dahil sa sobrang tulog. 

Grabe! Ang panget ko na!

Buong buhay ko ngayon lang ako na-depressed ng ganito. At dahil ito sa buwisit na Warren na iyon! 

Akala ko paggising ko kinabukasan ay magiging okay na ako. Sabi ko kasi sa sarili ko na isang gabi ko lang siya iiyakan. Tama na yung isang araw ko siyang pinag-aksayahan ng mga luha. Pero nagkamali ako. Paggising ko, nandoon pa rin ang sakit sa dibdib ko. Maalala ko lang siya, naiiyak na agad ako. At doon ko lang napagtanto na hindi lang simpleng pagkagusto ang nararamdaman ko para sa kanya.

Inlove na pala ako sa walanghiyang lalaking iyon!

Marahil ay noon pa. I just didn't recognize the feeling. Itinanim ko kasi sa isipan  ko na si Jason ang ideal boyfriend para sa akin. Habang ang mga ugaling kinaiinisan ko ay na kay Warren na yata lahat. Opposite poles silang dalawa. Pero hindi talaga natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin nito. And my heart chose him. 

Nakakalungkot lang dahil kung kailan ko na-realize ang totoong damdamin ko para sa kanya ay saka naman nangyari ang mga ito. Now, he wants me to stay away from me. Ang sabi pa niya ayaw na rin niya akong makasama at makita. Ang kapal ng mukha niya na sabihin iyon sa akin! As if naman na maghahabol ako sa kanya!

Nagagalit ako kay Warren. Gusto ko siyang suntukin at bigyan ng flying kick... in short gustung-gusto ko siyang bugbugin. Halos isumpa ko na nga siya. Pero bakit ganon? Sa kabila ng mga ginawa niya ay hindi ko siya matiis. Gusto ko pa rin siyang makasama. At pakiramdam ko hindi makukumpleto ang araw ko kung hindi ko siya makikita. Miss na miss ko na siya.

Waaahhhhh!! Nababaliw na yata ako! Ganito ba talaga ang epekto ng taong inlove?

My Stupid Mistake (published under Pastrybug)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon