Chapter Nine

179K 3K 197
                                    


Sa wakas sinipag din ako...hahaha! Sensya na kung medyo natagalan (hindi pala medyo... as in natagalan na pala!) Ilang beses ko ring sinubukan na i-update ito. Kaya lang lagi na lang ako tinatamad. Ewan ko ba, lately napapansin ko lagi na lang ganun. Wala naman akong magawa.. =____=  kakambal ko na talaga ang katamaran hay...

Hopefully matapos ko na ito. Ang original plan ko kasi ay hanggang chapter five lang ito eh.. kaya lang humaba na siya ng humaba at hindi ko magawang tapusin. I've learned my lesson.. never na akong magsusulat ng story ng sabay. I swear! Nawi-windang ang utak ko!

Anyway, enjoy reading this! Pagtiyagan nyo na kung puro Warren-Hope moments ang mga ito. ^_________^


CHAPTER NINE

Hope's POV

Napahinto ako sa pagsasalita nang mapansin ko si Warren na abala sa kung anong isinusulat niya sa kanyang notebook. Naisip ko noong una na baka tine-take down niya yung mga tinuturo ko sa kanya. Pero nakita kong masyado yata siyang seryoso sa kanyang ginagawa. Na-curious tuloy ako. At pasimple kong sinilip kung ano anuman ang sinusulat niya.

Nyek!

Nagdo-drawing pala siya... ng baboy?

Hindi ako sigurado. Para kasing mas mukha iyon bear kaysa sa baboy. Pero teka? May sungay ba ang bear o kaya ang baboy?

Sa itaas ng idino-drawing niya ay may pangalan na Villegas. Sino kaya iyon?

"Warren!"

Parang wala siyang narinig. Tuloy pa rin siya sa pagdo-drawing.

"warren!" Medyo nilakasan ko ang boses. Pero no dice! Dedma pa rin siya.

Meaning... Kanina pa ako nagsasalita rito dahil buong akala ko nakikinig siya sa mga itinuturo ko sa kanya. At iyon pala nagdo-drawing lang siya ng isang hayop na siya lamang ang nakakaalam.

Nasayang lang pala ang effort ko!

Lumikha ng ingay ang silya ko nang tumayo akong bigla. At doon naagaw ko rin sa wakas ang atensyon niya. Pero hindi lang pala siya, pati ang ibang estudyanteng na naroon sa loob ng library.

"Saan ka pupunta?" Kunot-noo na tanong niya habang nililigpit ko ang mga gamit ko sa mesa.

"You're wasting my time, Warren!" Nakasimangot na sabi ko. "Nagpapakahirap ako na turuan ka tapos hindi ka naman nakikinig."

Bigla siyang naalarma. "N-nakikinig naman ako."

Tinignan ko siya ng masama. "Sige nga kung nakikinig ka, ano yung huli kong itinuro sayo?"

Hindi siya makasagot.

"See?" Inirapan ko siya. "Kung hindi ka naman seryoso na matututo hindi mo na ako kailangan. Kaya babu!" Sabay talikod sa kanya.

My Stupid Mistake (published under Pastrybug)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon