Chapter Four

198K 2.9K 288
                                    

CHAPTER FOUR

Hope's POV

Nang sumunod na araw ay panay ang PDA nina Julie at Jason. Kahit saang sulok ng campus ay makikitang magkasama ang dalawa. At mukhang kinarir na ng kaibigan ang pagiging pretend girlfriend nito. And it irritates me. Aminin ko man o hindi ay naseselos ako kay Julie. Ako sana ang nasa lugar niya at hindi siya.

Napasimangot lalo ako nang madatnan ang smiley sticker na nakadikit sa pinto ng locker ko.

Always wear a smile... ang nakasulat pa roon. Tinanggal ko iyon at idinikit sa katabing locker na pag-aari ni Warren. There is no reason for me to smile. Paano ko naman gagawin iyon kung hanggang ngayon ay nagsisintir ang kalooban ko?

Nag-iisa lang ako sa paboritong tambayan naming magkakaibigaan. Kung kailan naman kailangan ko ang presence nila, kahit isa sa kanila ay hindi ko mahagilap. Nang masawa ako sa kababasa ng pocketbook ay nagdesisyon na lang akong magpunta sa mall. Absent na naman ang professor ko sa Logic kaya okay lang na maglakwatsa ako. 

Papatawid na sana ako nang magulat sa malakas na busina ng paparating na kotse. Mabuti na lamang at nakapagpreno kaagad ang driver. Kung hindi ay baka nasagasaan na ako.

Hindi pa nga ako nakakabawi sa pagkabigla nang bigla na lang bumaba ng kotse ang driver nito at nagsisisigaw.

"Hoy miss! Bulag ka ba? O gusto mo lang magpakamatay?"

Warren's POV

I've been watching her from afar. Tahimik na pinapanood ang bawat kilos niya at galaw. At hindi ko maipaliwanag kung bakit nakasanayan ko nang gawin iyon sa araw-araw. Para bang hindi makukumpleto ang araw ko kung hindi ko siya makikita.

"Pare lapitan mo na kasi!"

"Oo nga! Hanggang tingin ka na lang ba parati? Go! Kaya mo yan!"

"Huwag kang totorpe-torpe, Man! Sige ka baka maunahan ka ng iba."

Sunud-sunod na kantiyaw sa akin ng mga barkada ko.

Torpe na kung torpe. Anong magagawa ko kung pagdating sa kanya ay bigla akong naduduwag?

Ang totoo, wala naman akong balak na ligawan siya. Basta kuntento na ako sa nararamdaman kong paghanga sa kanya. I know, I'm too old enough para magka-crush but I couldn't help it. Tao din naman ako. Ako man ang pinakamasamang tao sa paningin ng iba, may damdamin din ako katulad nila.

Dinukot ko ang cellphone sa bulsa nang mag-ring iyon. Nang magregister ang pangalan ni Lolo sa screen ay parang gusto ko ng pindutin ang end button. Ano na naman kaya ang kailangan sa akin ng matandang ito?

Patuloy pa rin sa pagtunog ang phone ko. Pucha! Parang gusto ko tuloy ihagis iyon.

My Stupid Mistake (published under Pastrybug)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon