Chapter Ten

169K 2.8K 226
                                    

Finally... nabigyan ko rin ng pansin ang story na ito. Dahil natapos ko na ang IG, ito namang MSM ang pagtutuunan ko ng atensyon. Pasensiya na po sa sobrang tagal... as in super tagal na update. Gusto ko lang ipahinga muna sandali ang utak ko. This past few days, sobra akong na-stress. At isa lang naisip kong paraan para maka-get over... ang matulog ng matulog. Effective naman! And now I'm back and fully charged.

Pero katulad ng sinabi ko dati, maiksi lang po talaga ang story na ito at hindi ko na papahabain pa. Two or three episodes na lang siguro. But it depends pa rin sa hinihingi ng story.

Anyway, enjoy reading guys ^_____^

CHAPTER TEN

Hope's POV

"Ma! Aalis na po ako!" Pasigaw na sabi ko habang palabas ng pintuan. Hindi ko na hinintay na sumagot si Mama. Alam ko na naman kung anong sasabihin niya. Nakalabas na ako ng bakuran nang mapansin ko ang pamilyar na pigura na nakatayo sa tabi ng poste ng Meralco.

Anong ginagawa niya rito?

Hindi ako nag-atubili na lapitan siya. "Hoy! Ba't ka nandito?" Sabay kalabit sa kanya.

Parang nagulat pa si Warren sa pagsulpot ko sa harapan niya. Nakatingin kasi siya kanina sa ibang direksyon. At hindi niya marahil namalayan ang paglapit ko. 

"Kanina ka pa ba dyan?"

"Hindi mo sinagot ang tanong ko? Bakit ka nandito? Anong masamang hangin ang nagdala sayo para mapadpad sa lugar namin?

Ngunit wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Yumuko siya at pinaglaruan ng suot na rubbershoes angkalsada.

"Sigurado ka bang gising ka na? O baka naman nag-sleepwalk ka lang at nakarating ka dito?" Winasiwas ko ang palad ko sa harap ng mukha niya.

Still, no response from him.

Bahala ka na nga sa buhay mo!

Tatalikuran ko na sana siya nang bigla siyang magsalita.

"Gusto kong may kasabay sa pagpasok." Pabulong na sabi niya.

Ano daw? Halos hindi iyon nakarating sa pandinig ko.

"Ako ba ang kinakausap mo o ang sarili mo?"

Saka lang siya nag-angat ng tingin sa akin. "Bingi ka ba? Ang sabi ko gusto kong may kasabay sa pagpasok!" Alam kong naiinis na siya pero nagawa pa rin niyang kontrolin ang sarili.

Pinigilan ko na mangiti sa inakto niya. "Bakit, hindi mo ba alam kung paano pumasok sa eskuwela at kailangan mo ng kasabay?"

Binigyan niya ako ng matalim na tingin."Bakit ba ang dami mong tanong?" Bigla na lang niyang hinablot ang kamay ko at walang kaabog-abog na hinila ako. "Umagang-umaga ang ingay mo! Halika na at baka ma-late pa tayo."

Napasunod na lang ako sa kanya. "Saan nakaparada ang kotse mo?" Tanong ko at luminga sa paligid.

My Stupid Mistake (published under Pastrybug)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon