Chapter One

283K 3.5K 275
                                    

CHAPTER ONE

Hope's POV

Maingat kong inaayos ang mga libro sa loob ng locker. Sa liit noon ay halos hindi na magkasya ang mga gamit ko. Parang gusto ko tuloy magreklamo sa Admin. Ang mahal-mahal na nga ng renta, tapos halos limang libro lang yata ang nagkakasya sa loob.

"Hello,Hope!"

Napatuwid ako ng tayo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Namimilog ang mga mata na lumingon ako. 

Jason was smiling at me. Showing the complete set of teeth. Biglang nagtatalon ang puso ko sa tuwa. Magmula nang ipakilala siya sa akin ni Sandy ay naging madalas ang pagbati niya sa akin. At sa tuwina ay naroon ang pakiramdam ko na tila nakaduyan ako sa alapaap.

Nakalayo na ni Jason ngunit hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Suddenly, na-distract ako sa lalaking bigla na lamang sumulpot mula sa likuran ko. When I turned around, disbelief is written in my eyes... si Warren!

"Bingi ka ba? Ang sabi ko nakaharang ka sa locker ko!" Nakasimangot na sabi niya. Napausod tuloy akong bigla.

Antipatiko! At lihim na inirapan siya. 

Meet Warren... the infamous good looking guy from Engineering Department. Sikat siya sa campus. As in sikat sa kaguluhan, sa mga kalokohan, sa pambubulakbol at higit sa lahat, sikat sa mga kakabaihan sa kabila ng pagiging cold niya. He is also a snob. Ni hindi nga yata siya marunong ngumiti. 

Sa kasamaang palad, magkatabi lang ang mga locker namin dalawa. Masuwerte raw ako sabi ng mga kaibigan ko. Kasi madalas ko raw siyang makikita at makakasabay. Pero ano ang suwerte roon? Sa tuwing magku-krus ang landas naming dalawa ay lagi na lang niya akong sinisimangutan. Wala naman akong atraso sa kanya. Kunsabagay, ganon naman siya talaga kahit sa ibang babae.

Makaalis na nga! 

Pero bago ko pa maihakbang ang paa ko ay narinig ko siyang nagsalita ulit.

"Huwag kang mag-ilusyon na magugustuhan ka ni Jason. Asa ka pa! Hindi ang tulad mo ang tipo niya."

Nakaangat ang kilay ko na nilingon siya. But it was a mistake. He was too close that I could almost inhaled him. 

Napakurap ako. And that broke the spell. Bahagya akong napaatras. But before I could say anything, bigla na lang niya akong tinalikuran and walked away from me.

How rude!

Dumiretso ako sa Cafeteria pagkatapos. Doon ko na naabutan ang mga kaibigan ko na naghihintay sa akin. Umorder muna ako ng pagkain at lumapit sa paborito naming puwesto. Hindi pa sumasayad ang puwet ko sa upuan nang marinig ko mula sa kanila ang pangalan ni Warren.

Ayon kay Sandy ay may panibagong gulo na naman na kinasangkutan ang binata. And according to my friend's reliable source, isang junior marketing student ang nagreklamo ng pambubugbog ng grupo ni Warren. Nagsimula raw ang lahat dahil lamang sa parking space na kini-claim ng complainant. Pagkatapos ay bigla na lamang nagkagulo. Halos mabura nga raw ang mukha ng biktima sa tinamo nitong pinsala.

My Stupid Mistake (published under Pastrybug)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon