Siya Pa Rin

2.1K 41 9
                                    

Dapit-Hapon - Ebe Dancel

Bawat Daan - Ebe Dancel

(please i-play niyo yung music hehe hanap kayo youtube or spotify)

---

"Sigurado ka na ba talaga diyan? Final answer na?" Tanong ni Mika habang naka-upo sa kabilang dulo ng bench na kanilang kinauupuan sa likod-bahay ng mga Ravena. Tiningnan ni Mika ang kasintahan na diretso lang na nakatingin na siyang naka-upo sa kabilang dulo ng upuan.

"Ikaw... sabi mo diba eto rin naman yung gusto mo... sabi mo baka para to sa ikakabuti natin pareho. Focus muna sa sports and studies." Saad ni Kiefer at tiningnan si Mika. "Sabi mo we should set our priorities straight at dapat family, sports, and studies comes first muna."

Huminga ng malalim si Mika na siyang pinipigilan ang pagtulo ng kaniyang mga luha. "Kief... hindi mo naman ako na-gets eh."

"Hindi talaga kita na-gets. Hindi kita ma-gets. And maybe this could be it? Mas okay na to, kasi hindi rin naman nga natin ma-gets ang isa't-isa."

Tuluyang nang tumulo ang mga luha ni Mika na siyang pinunasan niya agad. "So buo na yang desisyon mo?"

Inalis ni Kiefer ang tingin niya kay Mika at bumuntong-hininga, "Oo... I'm sorry Miks."

"Ganun nalang yun Kief?" Umiiyak na sabi ni Mika kay Kiefer at tinitigan ito. "Hindi na ba sapat tong pagmamahal natin para sa isa't-isa para maayos natin to? O mas dapat ko bang itanong kung mahal mo pa ba ako?"

Tiningnan ni Kiefer si Mika. May mga luha na ring namumuo sa kaniyang mga mata nang punasan niya gamit ang kaniyang daliri ang mga luhang tumutulo sa mukha ni Mika.

"I'm sorry." Bulong ni Kiefer at saka ito tumayo at iniwan si Mika na patuloy na umiiyak kasabay ng paglubog ng araw, na siyang paglubog din ng kanilang pag-iibigan.

---

"Huy Bro!" Nagulat naman si Kiefer nang may biglang sumulpot na lalaki sa tabi niya. "Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ng kaibigan niyang si Jeron at tiningnan ang kaninang tinitingnan ni Kiefer nang patago sa likod ng isang halaman sa labas ng isang coffee shop.

"Ikaw? Ano bang ginagawa mo dito?" Iritang tanong ni Kiefer sa kaibigan niya.

"Bro, dito ako nag-aaral, malamang andito ako. Teka, sino ba yang iniistalk mo diyan?" Tanong ni Jeron tsaka tiningnang muli ang babaeng kanina pa tinitingnan ni Kiefer.

"Dun ka na nga!" Taboy ni Kiefer kay Jeron pero ngumisi lamang ito sakaniya.

"Mahal mo pa rin? Ano? Biggest regret mo na?"

"Bro dun ka na nga! Wala ba kayong training?"

"Wala. Eh ikaw kaya diyan? Layo pa ng Katips ah. Ba't di mo nalang kaya lapitan?" Tanong ni Jeron at tiningnan muli si Mika na mag-isang nakaupo sa loob ng coffee shop habang busy sa mga paperworks niya.

"Ayoko. Tsaka na."

"Tsaka na? Ano? Kapag pagod na siyang maghintay sayo?"

Products of MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon