Chapter 18: Family Day (Part 3)

10K 136 29
                                    

Chapter 18: Family Day (Part 3)

**

IANNE’S POV

 

“Mommy! Mommy! The small fishes, they’re tickling me!” tapos, parang pinipigil ni Tribal yung tawa niya. Hahaha! Hankyuuuuuut talaga ng baby ko!!

“Oh diba? Sabi ko sayo Tri masaya dito sa mga isdang ‘toh eh. Masaya din naman sanang pagmasdan yung shark kaya lang, may isa tayong duwag na kasama. Tsk.” At nagsimula na naman mang-asar yung epal kong katabi. (>3<)


“Hoy Bench, kung gusto mo, bumalik ka na lang dun sa shark na yun, ipakain kita dun eh.” I muttered tapos nagtampisaw tampisaw nung paa ko. :D

Nandito kami ngayon sa isang parang pond na merong small fishes. You need to soak you feet then sila yung parang magtatanggal lahat ng dumi sa paa mo, tinry din namin toh noon. Hehe! Nakakakiliti talaga ‘toh promise!!

“Ayaw. Family Day nga eh, e di syempre, dito ako.” Tapos dinilaan ako ng loko. Family Day, Family Day. Family ka? Haaaayyy. Oo nga pala, Family ka…

“Tri, are you having fun?” tanong ko sa bata na nakatuon lang yung atensyon dun sa maliliit na fishes. Pinapanuod niya kung paano lumalapit yung mga isa sa paa niya tapos, aalis kapag ginalaw niya yung paa niya.

“Yes, Mommy…” he answered while still occupied with the fishes. Mukha namang masaya talaga sya today, all thanks to Bench.

 

“Haaaayyyy. Ano kayang ginagawa ni Xave ngayon?” bigla na lang pumasok sa isip ko si Xave tapos yung image niya na nasa desk siya at tambak yung paper works. Haha! Ang kawawa kong Xave, tuloy, yung asungot na ‘toh ang kasama namin ngayon. >:D

“Ang daya. Xionnen-free day nga ‘toh, dapat ikaw Xave-free day din!” reklamo nitong nasa tabi ko. Sinamaan ko sya ng tingin…

“Hello? Natural lang na isipin ko yung asawa ko noh!” sabay crossed-arms ko pa at nagtampisaw ulit ng tubig sa may paa ko.

“Bakit kasi hindi pa kayo magpakasal na dalawa ni Xave?” tanong niya habang nakasimangot. Ah…. Aware pala sya na live-in lang kami.

“Ayoko pa eh, care mo ba? Eh kayo, bakit di pa kayo magpakasal ni Xionnen?!!” medyo napa-high pitch ako sa huling part, yang Xionnen kasi na yan, pinapainit ulo ko! XD

 

“Eh ayoko pa rin eh, care mo ba?!!!” at ginaya pa ako ng magaling na si Bench. Kaasar talaga sya! What happened to him?! nung kami pa hindi niya ako inaasar ha, lagi syang gentleman at sweet!!!

SBMBG 2: The Skater and Ballerina's Twisted Fate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon