Chapter 12: Still together (Part 1)

12.7K 123 16
                                    

Chapter 12: Still together (Part 1)

BENCH'S POV

Pakshit. Ano bang nangyari? Ang sakit ng ulo ko ah! Anong date na ba ngayon? Birthday ko pa ba? Anak ng, malamang hindi na, umaga na eh, ano yun, araw araw birthday ko? Pssh! Makabangon na nga lang. Takte, ang baho ko ah! Amoy alak ako, amoy pinaghalong bisyo! Ang sakit pa ng balikat at likod. Anak naman ng—!! may nambugbog basa kin kagabi?!!

Kagabi?

Ah, oo! Alam ko na! galing ako sa club kagabi! Niyaya ko nga sina PJ, Kurt at Clyde eh! Grabeh, ang haba naman ng araw ko kahapon, parang ang daming nangyari...pati na sina Xave at Tribal.

Totoo kayang mag- ama yung dalawang iyon? Para kasing ang bilis eh. Hindi ako makapaniwala. Totoo nga kaya...? Sa bagay, bakit ko pa pag- iisipan ang bagay na iyon. Wala naman akong pakialam dun eh. Pakialam ko ba kung anak talaga iyon nung primadonnang yun.

Pero kahit na! kapal talaga ng mukha, ang bilis naman niyang kinalimutan ang forever namin. Kahit kelan talaga dapat hindi ako naniniwala sa mga pinagsasasabi niya eh. Forever niya mukha niya. Ilang taon pa lang may anak na kaagad sya? Tsk! Bahala na sya sa buhay niya! Wala akong pakialam sa kanila. Magsama silang dalawa. Eh? Tatlo pala.

"Gising ka na pala" pagbangon ko, napahawak ako sa ulo ko. ang sakit kasi eh, tapos tatayo sana ako papuntang bathroom when I heard Xionnen. She's standing on the doorway. Standing still, her face doesn't look good. Parang wala sya sa mood.

"Yeah. And my head hurts like hell. Pati yung likod ko." daing ko sa kanya tapos humawak sa likod ko. napa-ano ba ako kagabi? Nahulog ba ako sa kama? Eh? Teka, paano muna ako napunta dito kina Xionnen?

"Buti lang yan sayo" she answered. Naglakad sya papasok ng room, dumiretso sya sa may bathroom at di lang man ako tiningnan, pero iniwan naman niyang bukas yung pinto, parang may kinukuha o ginagawa lang sya. Oh anong ginawa ko dun?!! Bakit mukhang galit sakin yun? May ginawa ba ako?

"Bakit Nenen, galit ka ba sakin?" tumayo ako at sumunod sa kanya sa bathroom, nakita ko sya nagtu-toothbrush sa may sink, nakatingin lang sya mirror. Medyo masakit pa rin ulo ko pero syempre, kailangan kong kausapin si Xionnen, kahit pa mukha akong dinumog ng dalawampung bakla sa itsura ko ngayon.

"Hindi. Bakit naman ako magagalit" sabi niya. Is she kidding me? eh ang cold nga ng sagot niya sakin, tapos hindi sya galit? The nerve! Mas pinapasakit niya ulo ko eh! Amp!

"Galit ka eh. Ano bang ginawa ko, Nen?" tanong ko ulit sa kanya at humawak sa ulo ko. pakshit kasi ang sakit eh. Hindi na talaga ako iinom ng ganun kadami sa susunod, kahit birthday ko pa!

"Anong ginawa mo? Exactly! Wala kang ginawa." Tumingin sya saglit sakin tapos, pinagpatuloy na lang yung ginagawa niya. Napakamot ako. Wala akong ginawa? Wala ba?

"Ang labo mo namang kausap, Nen eh? Parang kahapon lang ang ayos ng usapan natin. Birthday ko pa kahapon tapos—" gago ka talaga, Bench. Hinayupak kang gago ka. Birthday mo kahapon tapos may usapan kayo ni Xionnen, pero dahil gago ka, hindi ka kaagad pumunta at nakipag-inuman ka na lang kung di ka lang talaga gago!

"Shit. Sorry, Nen. Hindi ba tayo nakapag-dinner kagabi?" tanong ko agad sa kanya nung maalala ko. pero imbis na sagutin niya ako, tinapos niya lang yung pagba-brush niya tapos binangga niya ako at lumabas sya.

You did great, Bench. Hindi ka pa nga nakakabawi sa lahat ng atraso mo, gumawa ka na namang ng panibago. Galing mo talaga.

"Xionnen naman! Please, let's talk about this! Wait!" habol ko sa kanya. Lumabas sya ng kwarto kaya naman, humanap muna ako ng t-shirt sa may closet niya. May mga damit rin kasi ako dito sa bahay niya. Hindi ko na kasi matiis yung amoy ng alak sa katawan ko eh kaya nagpalit na ako ng shirt, kahit dun man lang mabawasan.

SBMBG 2: The Skater and Ballerina's Twisted Fate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon