Chapter Forty Five

146K 2.7K 89
                                    

Chapter Forty Five


ALAM niya na sobrang laki ng kasalanan niya at tanggap naman niya ng sumbatan siya ni Eon na sana ay agad niyang sinabi ang problema niya, na sana ay agad niyang sinabi dito ang tungkol kay Quentin sana ay hindi na sila umabot sa ganito. Alam niyang galit ito sa kanya at hindi niya ito masisisi.

Mas naguilty pa nga siya ng sabihin nitong wala itong pakialam kung totoong may nangyari man sa kanila ni Quentin noon, kung bakit ba naman kasi hindi niya maalala kung may nangyari ba talaga sa kanila o wala.

Nasa bahay pa rin siya nito, bigla kasi itong pumasok sa silid nito kaya naiwan siya sa sala at kahit na gusto niyang umalis ay natatakot siya. Natatakot siyang baka kapag iniwan na niya ito ay wala na siyang balikan pa dahil tuluyan na itong iiwas sa kanya, natatakot din siya na baka paglabas niya ay makasalubong na naman niya si Quentin. Gusto niya itong kausapin, gusto niya itong suyuin pero mas takot siya sa pwedeng maging reaksyon nito sa kanya. Tanggap naman niyang galit ito pero hindi niya pa matanggap kung ano ang magiging reaksyon nito sa kanya.

Napatingin siya sa singsing na suot niya, noon pangarap niya na mahalin din nito, natupad iyon. Pangarap niyang maging sila at natupad iyon. Si Eon ay isang pangarap na natupad para sa kanya, he's her dream man, her mister right, her perfect guy. Come to think of it he is indeed a perfect man.

Kung hitsura ang pag-uusapan hindi na kataka-taka kung makuha man itong modelo, kung yaman din naman anak ito ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa, sa family background... they are perfect. May sarili din itong negosyo at kahit na hindi ito umasa sa mga magulang nito ay kaya nitong tumayo sa sarili nitong mga paa. Ano pa ba ang hihilingin mo? Wala na he is a complete package.

Samantalang siya wala sa kalingkingan ng mga babaeng nakaka-date nito o kaya naman ng unang minahal nito. He loves her she can feel it pero sapat ba siya para dito? Sapat lang ban a maging ina siya sa mga anak nito. Pwede ba siya nitong ipagmalaki sa mga taong nakapaligid dito.

Tanggap siya ng pamilya ni Eon, she's friends with his sister Ainsley. Siya ang ina ng mga anak nito pero kung wala ang mga anak niya, kung nagkita sila uli na wala ang mga anak niya, mapapansin ba siya nito? Will he spare her a glance or even his time? Can she be a wife to him?

Nakakapressure sa totoo lang, ayaw niyang maging asawa lang ni Eon Libiran she wants to be a woman whom he can lean on. Pero pinatunayan lang niya ngayon na hindi siya karapat-dapat kay Eon, hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal nito dahil kung ganitong problema hindi niya magawang magtiwala dito paano nalang kung may mas malaking problema pa na darating sa buhay nila?

Tinitigan niya ng husto ang singsing na suot niya, noong una niyang sinuot ang singsing na iyon ay masayang-masaya siya pero ngayon parang bumibigat na iyon sa daliri niya. She sigh, kung anuman ang magiging desisyon ni Eon tatanggapin nalang niya total kasalanan naman niya iyon. Pero kakausapin pa rin niya ang lalaki, ayaw niyang umalis siya na hindi ito kinakausap.

Naglakas-loob siyang tumayo at lumapit sa silid nito, she knock before she open the door. Agad niyang nakita ang lalaki na nakahiga sa kama nito, hindi niya alam kung gising ba ito o tulog pero nakatagilid ito paharap sa kabilang panig.

"Eon." Tawag niya dito pero hindi ito natinag. "I know napakalaki ng kasalanan ko sa iyo, may karapatan ka namang sumbatan ako. Alam kong maling-mali ang ginawa kong paglilihim sa iyo sa nangyari natakot lang ako." Panimula niya at umupo sa edge ng kama, nakatalikod din siya dito. "Natakot akong baka magbago ang trato mo sa akin kapag nalaman mong... kapag nalaman mong may ganoon akong ginawa dati." She bit her lips. "Hindi dahil sa wala akong tiwala sa iyo, kundi wala akong tiwala sa sarili ko. Wala akong pwedeng ipagmamalaki sa iyo dahil hindi naman ako mayaman, sarili ko lang yata ang maibibigay ko sa iyo and I am very proud of myself dahil akala ko ikaw lang ang lalaki sa buhay ko. I don't know, I don't really know," napabuntong-hininga siya. "Alam mong mahal na mahal kita, wala akong ibang lalaking mamahalin kundi ikaw lang. Kung alam mo lang kahit sabihin mong mahal mo ako hindi pa rin iyon nagsi-sink in sa isip ko kasi akala ko nananaginip pa rin ako and that Quentin incident is a nightmare."

Twin's Tricks (COMPLETED)Where stories live. Discover now